Keith's POV
Gumising na ang pinakagwapo nilalang sa mundo. Paano na kaya ang mundo kung wala ang isang gwapong katulad ko... Makapagpagwapo na nga....ay hindi pala gwapo na pala ako, hindi na kailangan... Pagkatapos kong lumigo bumababa na agad ako at sa kasamaang palad nakita ko ang pinakapanget na nilalang na nilikha sa mundo..
"Hay nako sira na naman ang araw ko, nakita ko naman ang panget na tulad mo" sabi ni Kryztie Kate ang nakababatang kapatid ko
"Ah ganon" sabi ko sabay kiliti sa kanya
"Kuya stop it!!" Natigil ang pangingiliti ko sa kanya ng biglang magsalita si mama
"Ang sweet naman ng mga anak ko. "
"Mom!! Your wrong, I hate this ugly creature" sabi ni Kryz.
"I love you too my ugly sister"
"Oh kuya don't call yourself. You UGLY! " pang-aasar ni Kryz
"Ah panget pala so ibigsabihin panget ka rin kasi magkamukha tayo..."
"Okay stop it. Let's eat" saway sa amin ni mom.
Kumain kami hanggang sa magsalita si Kryz.
"Uhm, by the way kuya, ibili mo naman ako ng favorite cake ko. Please"
"Ayoko nga! Matapos mo akong sabihang pangit, tapos akala ko ba you hate me? " sagot ko sa kanya
"Please...I'm just kidding kuya. Alam mo naman that I love you so much"
"Ganyan ka. Pasalamat ka at hindi kita kayang tiisin" Sabi ko
"Thank you kuya, I love you"
"O basta ibigay mo sa akin ang perang pangbili"
"Ilibre mo na ako please na, malaki naman ang allowance mo please. Next time ikaw naman ang ililibre ko, promise! "
Sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya para magpromise
"Sumosobra ka na..Patay ka talaga sa akin Kryztie Kate pag hindi mo ako inilibre. "
"Promise ko yan sa'yo"
Natapos na kaming kumain.
"Mama alis na po ako, bye po"
"Sige ingat ha.." sagot naman ni mama
"Kuya yung cake ko ha, don't forget" pagpapaalala sa akin ni Kate
"Oo na"
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa ferrari ko...
Habang nagdadrive ako at nakikinig ng music bigla na lamang....
*Beep* *Beep*
Muntikan na akong may makabanggang sasakyan kaya agad akong bumababa ng ferrari ko...
Pagkababa ko may babaeng bumababa sa isang sasakyan..
"Hoy lalaki! muntikan mo na akong mapatay bakit ang bilis ng pagpapatakbo mo ha. Eh kung nabangga ako...Mapapagamot mo ba ako ha.?."sabi nung babae na si Stephanie pala, ang leader ng Queens
"Wait lang STEPHANIE! , wag ka agad manisi dahil parehas tayong may kasalanan sa nangyari, so don't you dare to blame me. " sabi ko na parang nagulat siya dahil hindi niya ata alam na, alam ko ang pangalan niya
"Hoy lalaking akala mo gwapo.. Wala akong kasalanan dahil ikaw ang mabilis magpatakbo dyan at ako tama lang ang pagpapatakbo ko...Kaya ikaw lang ang may kasalanan dyan.."
Dire-diretsong sabi niya
"Hoy babaeng akala mo maganda. Wag ka ngang OA dyan. Hindi naman kita nabangga kung makapagreact ka wagas, lalo na pala kung nabangga kita. Grabe ang aabutin kong ngawa galing sayo"
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
RandomFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.