Sophia's POV
Nagising nalang ako ng liwanag ng araw na tumama sa mga mata ko. Good Morning world! Umupo ako para tingnan ang mga kasama ko. Aba mga tulog pa. Pero infairness ha ako ata ang pinakamaagang nagising ngayon. Makababa nga muna. Ipapahanda ko lang yung breakfast.
Habang bumababa ako naaamoy ko na ang mabangong pagkain. Hmmmm. Ang bangooo.
Pumunta ako sa kusina para tingnan ang niluluto ni Nanny.
"Nanny ano po-- K-Kuya?" nagulat ako nang makita si kuya na nagluluto. Bakit siya ang nagluluto.
"Oh. Good Afternoon Lhaye" sabi ni kuya habang nagluluto ng beef steak? Bigla namang nagtwinkle ang mata ko nang makita ang niluluto ni kuya.
"Anong Good Afternoon ka dyan? Ang aga ko kayang nagising." Sabi ko sa kanya.
"FYI 12 pm na po. Madam!"
"Huh? Pero kuya bakit nga pala ikaw ang nagluluto? Nasaan si Nanny?" Tanong ko sa kanya.
"Pinag day off ko siya ngayon eh."sabi ni kuya.
"Hay nako. Gusto mo lang ipagluto si....." Naputol ang sasabihin ko nang takpan ni kuya ang bibig ko.
"Shhhh. Wag ka nga maingay.."
"Kuya. May tanong ako sayo"
"Oh?"
"Saan ka nagmana ng kalandian mo? Pansin ko lang kasi these past few days lumalandi ka ata."
"Gagaya mo pa ko sayo" sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Sadya. KAMBAL po kaya tayo." sabi ko at inemphasize pa ang kambal.
"Tikman mo nga." Pag iiba niya ng usapan at pinatikim sa akin ang niluto niya.
"Kuya... Ang sarap!! Isa pa!" hirit ko.
"Aba tama na!"
"Kuya ansarap mo pala magluto eh." pambobola ko,
"Nambobola pa eh. Kilala kita Lhaye." sabi niya. "Oh. Ipeprepare ko na ang breakfast kaya gisingin mo na si Co- este ang mga kaibigan mo." sabi niya. Ngumiti naman ako sa kanya nang nakakaloko.
"Problema mo? Mukha kang shunga Lhaye." sabi pa ni kuya.
"Hmp!" sambit ko sabay walk out.
************
Pagdating ko sa kwarto ay agad ko silang ginising.
"Steph, Mirjana, Cosette. Wake up!" panggigising ko sa kanila. Aba ayaw gumising ha...
Pinatunog ko yung alarm clock ko malapit sa kanila para siguradong gising.
*KRING*KRING*KRING*
Aba matindi ang mga ito ah... Ang himbing ng tulog. Hmmm. Alam ko na! Humanda kayo sakin.
Agad akong pumunta sa CR para kumuha ng malamig na tubig.
Pagdating ko sa tapat nina Mirjana....
*SPLASH*
"Ahhhhhh!" sabay sabay na sigaw nila..
"HAHAHAHA!" Malakas na tawa ko.
"Oh. My. Gosh. Sophia. Problema mo?" sabi ni Mirjana.
"Hindi niyo ba naaalala?" tanong ko. Kumunot naman ang mga noo nila.
"It's summer!" sigaw ko sabay takbo palabas.
"Anong summer? October palang!! SOPHIA!!!" inis na sigaw nila. Uh-oh. Dali dali akong tumakbo pababa.
Pagbaba ko nakita ko si kuya na papunta sa taas kaya nakaisip agad ako ng paraan. Hinila ko si kuya at magtatago sana sa likod niya nang bigla nalang natumba si kuya. Nakita ko si Cosette na nakapatong kay kuya. Ang bilis kasi tumakbo ni Cosette kaya ayun nabangga niya si kuya tapos nakahiga sila ngayon. OMG. kinikilig ako! Ang pula ng mukha ni kuya.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
RastgeleFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.