Stephanie's POV
Yey! Congrats samin kasi napanatili namin ang pagiging top.. It's time for party! Now turn up! Yun nga, nandito kami ngayon ng barkada sa mall para magcelebrate well except for Cosette na umuwi na kasi nga tumawag yung nanay niya at kay Liam na wala sa mood.
"Lalim ng iniisip natin ah?" singit ng epal na lalaki sa tabi ko kaya napairap ako at umuna sa paglalakad pero hinabol pa rin ako ng loko.
"Partner! Wag mo akong iwan.. wag kang lumayo sakin" sambit niya kaya napatigil ako at napalingon sa kanya, pero nakangisi na siya ngayon kaya binelatan ko siya sabay lakad ulit.
"Pwede ba? Hindi naman tayo close eh alis ka nga." Sambit ko nang nasa harap ko na siya at nakangiting aso pero bigla yung napaltan ng pagnguso pero inirapan ko lang siya at naglakad na uli at sumabay ako kina Mirjana.
"Oh problema mo Steph?" tanong ni Mirjana pero inirapan ko lang siya kaya itinulak niya ako ng pabiro.
"Girls, it's been a long time.. How about having a new nails??" singit ni Sophia kaya napangiti kami ng malawak. Pumasok kaming tatlo sa isang nail parlor na talagang palagi naming dinadayo dito. Napalingon kami sa mga kasama naming lalaki at ang mga loko, dumiretso sa arcade. Well, bahala sila.
Pagpasok namin dun ay sinalubong kami nung babae at pinapili ng design for our nails.
"Ang cutie nito oh." sambit ni Mirjana at itinuro yung design na mukhang pizza. Huh? Anong cutie dun?
"Nako Jana, ikaw nalang magpadesign ng ganyan baka makain ko lang ang daliri ko pag ganyan ang design ng nail polish ko." sambit ni Sophia at pinili niya yung cute na color pink, as usual, favorite niya yun eh.
Ako naman, pinili ko yung color rainbow na nails mala trolls lang. Pagkapili namin ng mga designs ay pinaupo na kami ng magkakatabi at nagsimula nang lagyan ng nail polish ang mga mga pretty nails.
After a few minutes, natapos na din kami at lumabas na kami at dumiretso sa arcade to find out the boys dancing in front of the crowd. Wow, lakas ng trip ng mga to ah, lakas ng loob magjust dance . Nanuod nalang din kami sa kanila at talaga namang magagaling sila pero bakit ganun? Sa isang tao lang ako nakatitig..
"Steph. Partner, yuhooo. Hala" sambit niya habang winawagayway ang kamay niya sa harap ko kaya napailing ako.
"T-Tapos na kayo sumayaw?" bulong ko kaya napatawa siya at ginulo ang buhok ko.
"Yeah, lahat nga sila nakaget over na eh ikaw nalang hindi haha. Tulalang tulala ka habang pinapanuod ako eh. Ayos ba partner?" nakangiting sabi niya at kumindat pa kaya hinampas ko ang mukha niya at tumalikod.
"Oh Steph bakit ang pula ng mukha mo?" Natatawang sabi ni Griffin kaya sinamaan ko siya ng tingin at naglakad na ako palayo.
Nakakainis, pinagtitripan pa nila ako. Nagulat ako nang may biglang umakbay sakin at alam ko na kung sino. Psh.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
RandomFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.