Chapter 15- Badtrip

323 6 0
                                    

Stephanie's POV

Nagising na lang ako dahil kay Manang. Ang sarap pa naman ng tulog ko.

"Magandang binibini, gising na. Male- late ka na." sabi ni Manang

"Manang 5 minutes pa po. Sige na po, antok pa ako eh." sabi ko

"Hindi pwede, male- late ka na sa school mo."

"Manang maaga pa naman po eh. Promise 5 minutes lang po talaga."

"Bahala ka. Wag mo akong sisisihin pag na late ka." sabi niya

"Manang naman eh. Ano na po bang oras?" tanong ko

"6:30 AM lang naman po." nakakalokong sabi niya

"Eh 6:30 pa lang naman po pala eh. Teka?! 6:30 na po?!" tanong ko at agad napabangon

"Oo 6:30 na."

"Manang, bakit di niyo po ako agad ginising?"

"Kanina pa kaya kitang ginigising. Eh ikaw tong. 'Manang 5 minutes na lang po, promise.'" sabi niya at ginaya pa talaga ako

"Hay naku!!!! Manang talaga. Male- late na ako!!!"

"Oo male- late ka talaga kung di ka pa tatayo dyan sa kama mo. Bilis na bumaba ka na. Nakahanda na ang breakfast mo." sabi ni Manang

Bumaba na ako kaagad. Kasi kung makikipagtalo pa ako kay Manang lalo lang akong mahuhuli.

KAIN

TOOTHBRUSH

LIGO

BIHIS

AYOS NG GAMIT

TAPOS

"Tapos na ako!!!" masiglang sabi ko

"Oh siya sige na lumakad ka na." sabi ni Manang

"Opo Manang. Sige po alis na po ako. Bye!!!!" pamamaalam ko kay Manang

Agad akong sumakay sa kotse ko. At nagdrive na papunta ng school.

*******

Pagdating ko sa school 7:00 AM na. Okay may 30 minutes pa ako. Papasok na ako ng tanungin ako ni Kuya Guard.

"Ah miss? ID niyo po?" tanong ni Kuya Guard

"Patay!!!!" sabi ko at napahawak na lang sa noo ko

"Ah miss? Yung ID niyo po?" tanong niya ulit

"Ah Kuya, naiwan ko po kasi yung ID ko eh." sabi ko

Naku!!! May 'NO ID, NO ENTRY' Policy pa naman kami. What should I do. Malapit na akong malate. Kung uuwi naman ako, 10 to 20 minutes ang byahe. Sure akong male- late ako nun. Pero no choice naman ako eh. Kaya uuwi na lang ako.

Tumalikod na ako at sasakay na sana sa kotse ko ng may humawak sa braso ko. Isang girl, mga ka age ko lang. Cute siya at----. Ay ano ba yan kelangan ko ng magmadali. Hinarap ko naman yung girl.

"Ah may kelangan ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wanna play a game?" tanong ni cute girl

"Ah sorry wala akong time makipaglaro eh. Kelangan ko pang umuwi at male- late na kasi talaga ako." sabi ko

"Bahala ka, tutulungan sana kitang makapasok sa campus kahit na wala kang ID. Eh ayaw mo naman makipaglaro sakin. Sige bye." sabi niya at tumalikod na at naglakad na

"Teka lang!!!!" sabi ko at tumigil naman siya sa paglalakad at humarap sakin

"Papayag ka rin pala eh."

Clash of the Campus Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon