Stephanie's POV
Inayos ko na lahat ng mga gamit ko kasi Friday na ngayon, meaning ngayon na ang araw ng aming pag balik sa school. Simula pa nung isang araw ay hindi kami nagpapansinan ni Keith kahit sa harap nina Miss Lee kaya mukhang nagtatala na sila kung bakit eh."Everything's set? Wala na ba kayong naiwan?" tanong ni Miss Lee kaya tumango ako pero si Keith, as usual tahimik lang at nakaearphones. If I know, props lang niya yang earphones na yan. Sign na ayaw niyang makipag usap kahit kanino. Ni hindi nga nakasaksak yung earphones niya eh, sinong niloko niya?
*Ring *Ring
Inexcuse ni Sir Lacorte ang kanyang sarili at sumenyas na sasagutin lang niya yung tawag kaya tumango kami. Katabi ko ngayon si Keith dito sa may bench pero hindi niya ako pinapansin kaya hinayaan ko nalang siya. Pero nakakapagtaka nga kung bakit ang pula pula ng mukha niya eh. Siguro dahil sa mainit kaya ganun?
"Everyone, listen to me. Hindi tayo makakauwi ngayon kasi tumawag yung driver nung van natin. Hindi daw niya tayo masusundo kasi nasira yung makina nung van. Eh wala naman tayong magagawa kaya baka samakalawa pa tayo makaalis. Ayos lang ba yun sa inyo? Or gusto niyong magcommute nalang tayo?" tanong ni Sir Lacorte kaya agad akong sumagot at tumayo na.
"Sir hindi po! Mahirap pong magcommute tsaka okay na okay lang naman po na dito muna tayo magstay. Sige po balik na po ako sa room namin!" nakangiting sabi ko kaya napatawa nalang sina miss sakin. Binuhat ko na ang mga bag ko at akmang hihilain na ang maleta ko nang unahan ako ni Keith sa paghila dun. Magrereklamo pa sana ako pero nauna na siya sakin sa pag akyat kaya hinayaan ko nalang.
Pagdating namin sa room ay agad kong tinodo yung aircon at tumalon ako pahiga sa kama. Namiss ko agad to oh! Grabee. Napaupo naman ako nang marinig kong umubo si Keith habang may hinahanap siya sa bag niya. Ubo siya ng ubo kaya nag alala na ako. Kanina pa kasi pati siya mapula eh. Nilapitan ko siya at tinanong kung okay lang ba siya pero tumango lang siya.
"Hindi ako naniniwala." sambit ko at hinawakan ang noo niya. Napabitaw ako nang maramdaman kong mainit siya saka ko hinawakan yung magkabila niyang pisngi.
"Keith, you're hot!" sambit ko at paulit ulit na hinawakan ang noo at pisngi niya. Inalis niya yung kamay ko dun kaya napasimangot ako.
"I know, tsk." sambit niya kaya lalo akong sumimangot.
"I'm not joking. You're literally burning. Wait, kukuha lang ako ng gamot" sambit ko at agad kong binuksan ang maleta ko at kinuha ko yung purse ko. Kumuha ako dun ng gamot at ibinigay yun kay Keith pero ayaw niyang inumin yun.
"I hate medicines" simpleng sabi niya kaya kumuha ako ng bottled water at binuksan yung gamot para sa kanya.
"I hate it too but I hate you more pag hindi mo ininom to." sambit ko at pinilit siyang inumin yun pero inirapan niya lang ako.
"As if I care if you hate me." sagot niya kaya hinampas ko siya.
"I'm gonna tell Miss Lee na may sakit ka at ayaw mong uminom ng gamot." sabi ko at akmang tatayo na pero pinigilan niya ako.
"Don't, pag nalaman niya, sasabihin niya kay Mom tapos susunduin nila ako dito. Just don't." nakapikit na sabi niya at sumandal sa pader.
"Then drink this." utos ko kaya wala siyang nagawa kundi inumin yun. Parang ngang nasusuka na siya at bagya na niyang malunok yung gamot. Pagkatapos niyang uminom ng gamot ay pinahiga ko muna siya dun sa kama ko saka ko hininaan yung aircon. Kumuha din ako ng towel sa bag ko tapos pumunta ako sa CR at good thing merong basin don at may heater yung gripo dun.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
RandomFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.