Chapter 17- Confession

278 9 5
                                    

A/N:
Picture ni Griffin sa side or taas. 😊
Dedicated to Crissy133 . Enjoy reading! :D

---------------------
Mirjana's POV

Nandito kami ngayon nina Cosette sa may parking. Hinihintay kasi namin si Steph.

"Nasan na yun? antagal naman niyang ibigay yung cupcakes" reklamo ni Sophia.

"Chill ka lang Sophie. Darating din yun." sabi ni Cosette. "Oh ayan na pala siya eh. T-Teka. umiiyak ba siya?"

Lumapit agad kami kay Steph nang sabihin ni Cosette na umiiyak siya.

"Steph, what happened?" bungad ko pagkalapit namin.

"He's angry. He didn't accept my apology" malungkot na sabi niya habang umiiyak. Niyakap namin siya para mapagaan ang loob niya.

"Don't worry. Lilipas din yan" sabi ni Cosette. Kumalas naman na kami sa pagkakayakap.

"Thank you girls ha. Sige uwi na ako."

"No. Ihahatid na kita. Wag kang magdrive. Itext mo nalang yung driver niyo na kunin niya yung car mo" sabi ko. Agad naman niyang tinext ang driver nila.

"Tsaka wait mo nalang ako sa kotse ha. May pupuntahan lang ako." sabi ko sabay alis.

Pupuntahan ko lang yung bwisit na Keith na yun. Ipapamukha ko sa kanya kung gaano kalaki ang ginawang effort ni Steph para maigawa siya ng bwisit na cupcake na yun.

Pagdating ko dun ay nakita ko si Keith kasama si Griffin. Nilapitan ko sila. Pagkalapit ko kay Keith ay agad ko itong sinampal.

"Ang kapal din naman ng mukha mo no?" galit na sabi ko kay Keith.

"Whoa. Ano ba problema mo Mirjana?" singit ni Griffin.

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag kang makielam dito!" sigaw ko. "Hindi mo ba alam kung gaanong nag effort si Steph para lang gawin yang bwisit na cupcake na yan?!" sigaw ko. Hindi naman ito umimik. "Siguro nga hindi mo alam kasi wala ka namang pakielam!, kung ganon ipapaalam ko sayo.." kinuha ko ang phone ko at pinlay ko yung conversation namin kagabi ni Steph. Nairecord ko kasi. Wala lang trip ko lang magrecord. Mahilig pati akong magrecord ng mga conversation pag nasa mood ako.

(Steph.. Gabing gabi na... Ano ba yun?)

"Sorry nagising ba kita?"

(Baka hindi Steph. Umayos ka nga! Wala ba kayong orasan sa bahay? 12 am na kaya)

"Talaga? Naku sorry! Itatanong ko lang naman sana kung anong pwede kong ibigay kay Keith"

(Huh? Si Keith?! Bakit? Para san? Anniversary niyo ba? Kayo na ba? Bakit hindi ko alam? Nako Steph-)

"OA ka. Peace offering lang naman. Magsosorry kasi ako sa kanya gawa dun sa kanina. Diba nagalit siya?"

(Ahh. Kala ko naman kung ano. Magbake ka nalang ng cupcakes. Pwede na yun)

"Oo nga no? Thank you thank you talaga Mirjana! Bye!"

(Bye.)

"Ano?! Siguro napahiya ka no? Hindi lang yan! Alam mo ba na 2am na siya nakatulog dahil sa pagbabake niyan?! Hindi diba?!" galit na sigaw ko pa rin.

"S-Sorry." sambit ni Keith sabay tungo.

"Anong sorry?! Wag ka sakin magsorry kasi hindi ako ang nasaktan mo!" sigaw ko parin. "Magsama kayo ng walang kwenta niyong kaibigan!" sigaw ko sabay walkout. Peron bago yun ay nagsalita si Griffin.

Clash of the Campus Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon