Keith's POV
"Paano ba malalaman kung mahal mo na ang isang tao?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at kinurit ang pisngi niya. Ang cute niya, para siyang bata na curious na curious sa isang bagay.
"And why are you curious about that, young lady? Bakit, nalilito ka na ba kung mahal mo na ko o hindi?" tanong ko.. Pero imposible, alam kong hindi niya yun mararamdaman sakin.
"None of the above. I'm just curious, that's it. Pero kung ayaw mo sagutin okay. Let's go" sambit niya kaya napangiti ako nang mapait nang mauna siyang maglakad.
"Three feelings..." sabi ko kaya napatigil siya sa paglalakad at napatingin sakin. Nginitian ko siya at naglakad ako palapit sa kanya. "Malalaman mo kung mahal mo na ang isang tao if he or she makes you feel these three kinds of emotions.. three kinds of feelings" yes. Three feelings na naramdaman ko dahil sayo kaya ko narealize lahat...
"What kind of feelings?" tanong niya.
"Happiness, if you're feeling happy about him being around you. Sadness, if you feel unhappy whenever he's not around.. Whenever you don't see him. Lastly, anger.. If nagagalit ka tuwing may kasama siyang iba. " sabi ko kaya napaiwas siya ng tingin.
"A-ahh, yun pala yun.. Yun ba yung naramdaman mo noon kay Kheanna?" Tanong niya na ikinagulat ko.. I didn't felt that way towards Kheanna kasi nagustuhan ko lang pala siya.. Ngayon ko lang naintindihan ang pinagkaiba ng mahal sa gusto.
"Three feelings na nararamdaman ko dahil sayo lang.. " sabi ko kaya napatigil siya sa paglalakad. Ako naman ngumiti at unti unting naglalakad papalapit sakanya. Siguro nga sasabihin ko nalang sakanya kahit ireject pa niya ako basta malaman lang niya ang totoo. "Una, nagagalit ako pag nakikita kong may kasama kang iba."
"Ayokong nakikita kitang tumatawa pag kasama mo ang ibang lalaki.. Kahit sino pa yan, kahit sino pa sa mga kaibigan ko o kay Timothy man na kababata niyo. Ayokong kasama mo siya.. Nagagalit ako, nagseselos ako." Oo, narealize ko na nagseselos pala ako nung mga panahong yun..
"Pangalawa, malungkot ako pag hindi kita nakikita.. Malungkot ako pag hindi kita nakakausap.. Malungkot ako pag wala ka.."
"At panghuli.. Masaya ako pag kasama ka.." sambit ko at nang malapit na ko sa kanya, hinawakan ko ang balikat niya at unti unti siyang iniharap sakin.. "Masaya ako kahit wala tayong ginagawa. Basta nasa tabi lang kita." dahan dahan kong kinuha at hinawakan ang dalawang kamay niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. "Masaya ako pag nakikita kita. Masaya ako pag nakakusap kita. Masaya ako at hindi nawawala yung sayang yun kasi nandyan ka."
"Hindi ko alam kung kailan to nagsimula.. Kung bakit ko to nararamdaman. Pero isa lang ang alam ko.. Sayo ko lang to naramdaman.. Hindi kay Kheanna o kahit sino pa man.. Sayo lang Stephanie.. Kasi.."
"Mahal na kita Stephanie.."
"D-Do you mean it?" tanong niya at ngumiti siya.. Kakaibang ngiti na nagpakaba sakin.. Ang ganda niya talaga.. Napaubo ako at dahan dahang inalis ang kamay ko sa magkabiglang pisngi niya at napaiwas ng tingin sa kanya. Fvck, ano ba to? Nailang ako bigla. Fvck fvck. Anong gagawin ko?
"Joke lang" nasambit ko nalang dahil sa sobrang pagkagulat sa naging expression niya.. Sobrang hindi ko inexpect na ganun, na bibigyan niya ko ng ganung ngiti na parang may chance ako..
"Ah ganun ba?" sambit niya at tunawa ng fake. "Ang galing mo talaga magjoke napaniwala mo na ko eh. Haha" sambit niya at napansin ang mga luha sa gilid ng mata niya. What have I done?
"S-Stephanie.. I- I'm--" naputol ang sasabihin ko nang ngumiti siya
"I-I gotta go na pala, nandun sina Mirjana sa malapit. M-May pupuntahan pa ata kami. S-Sige na K-Keith una na ko. I-Ingat" sambit niya at tumakbo na palayo.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
RandomFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.