Chapter 9- The Twins

531 15 0
                                    

Sophia's POV

Flashback..

Pasakay na kami ng kotse ni Liam para bumili ng prutas para kay Stephanie..Pagdating namin sa supermarket, dumiretso kami ni Wesley sa may snacks section. Samantalang kasama naman ni Cosette si Liam sa may fruits section.

At dahil nandito kami ngayon sa section ng mga snacks, kumuha ako ng maraming junkfoods.

"Ang dami naman nyan! Ikaw ba lahat ang kakain niyan?" Tanong ni Wesley

"Pake mo? Atsaka Bakit ngayon may pakialam ka na sa akin tapos dati hindi mo man lang ako pinansin?" Sabi ko naman

"Wala ka na don. Tsaka kababae mong tao ang dami mong kumain.."

"Walang basagan ng trip. Teka nasan na nga pala si Cosette at tsaka yung kaibigan mo?" Tanong ko

"Baka nasa fruit section" pamimilosopo nito.

"Alam ko."

"Oh alam mo pala eh. Nagtatanong ka pa."

"Hindi. I mean bakit parang antagal naman ata nila don?" Tanong ko.

"Baka madaming kinukuhang prutas." sagot naman ni Wesley

"Ala ewan ko sa'yo bahala ka na dyan" sabi ko sabay iwan sa kanya

"Uy wait lang pagkatapos kitang sasamahan iiwanan mo lang ako.Ganyan ka pala." madramang sabi nito

"Akala ko dati tahimik kang tao, mali pala ang akala ko kasi ang daldal mo din pala katulad ng kaibigan mong si Griffin."

"Akala mo lang yun pero ang tunay medyo madaldal rin ako kaso minsan wala sa mood dumaldal kaya akala mo tahimik ako" sabi naman niya

"Pero tara na nga! umalis na tayo at puntahan na natin sila at baka iwanan tayo ng dalawang yun"

Nakita namin agad ang dalawa. Si Liam may hawak na iba't ibang fruits samantalang si Cosette ay.... Nakatulala? Anyare dun.

"Uy!" sigaw ko sa kanila. Nagulat naman si Liam pero si Cosette nakatulala parin.

"Hala. Cosette. Anyare sayo?" Tanong ko. Hindi naman ito sumagot. "Hala ayaw sumagot. Liam anong nangyari dito?" Tanong ko kay Liam. Nagkibit balikat naman si Liam na nagsasabing hindi niya alam.

"Uy pare anong ginawa mo?" Tanong ni Wesley.

"Aba'y malay ko diyan. Tara na nga" sabi ni Liam.

"Uy Cosette bakit ka nga nakatulala?" tanong ko ulit

"Wala meron lang kasi akong nakita" sagot naman nito nang nakabalik na ito sa realidad.

"Meron ka bang nakikita na hindi namin nakikita? Yung totoo Cosette tao ka ba?" tanong ko ulit sa kanya

"Sa sarili mo muna kaya itanong kung tao ka kasi hindi halata." panloloko ni Wesley

"He!He. Nakakatawa yung joke mo. Ako okay lang na hindi tao atleast maganda akong creature eh ikaw tao nga hindi naman halata."ganti ko sa kanya

"At sinong nagsabi sayong maganda ka?" tanong niya

"Madami! Bakit?" -ako

"Sinong madami at baka naman yung tinanong mo ay puro bulag kaya sinabi na lang nila na maganda ka" sabi naman niya

"Kahiya naman sa'yo si kagwapuhan eh" -ako

"Sadya! Lahat nga ng babae napapalinga sa akin pag dumadaan ako"-pagmamayabang niya

Clash of the Campus Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon