Cosette's POV
Kasalukuyan kaming naglalakad dalawa ni Sophia sa corridor habang nagkekwentuhan. Well, to be more specific, habang nagkekwento siya sakin. Siya lang naman kasi yung umiimik samin eh tapos ang isasagot ko lang lagi sa kanya 'Talaga?' 'Ahh' 'Bakit?' Ganyan lang hayss daldal talaga ng isang to."Good morning, Set. Oh." sambit ni Fin saka inihagis sakin yun yakult.
"Thanks." sambit ko at binuksan yun saka ulit kami nagcheers ni Fin.
"Ako Griffin? Wala?" tanong ni Sophia kaya napatawa ako.
"Nabanggit sakin ni Set na wala namang mahilig sa inyo nito eh. Siya lang talaga." sambit ni Griffin habang hinihimas ang batok niya.
"Sabagay. Edi sa susunod, bigyan mo ko ng apple juice, yun ang gusto ko." sambit ni Sophia kaya napatawa ako.
"Oh, Cosette nandito na kayo? Ang aga niyo ha." napatingin ako kay Mirjana na bagong dating at kasama niya ang bago niyang mga bodyguards. Yes, diba kakabalik lang niya ulit dito sa school mula kahapon. Pero wala pa siyang bodyguard kahapon.
"Ah sige, Set, una na ko ha? Hahanapin ko pa si Ley. Ge bye Sophia." sambit ni Fin at nagmadaling umalis. Problema nun? Napatingin ako kay Mirjana at mukhang nagtataka siya kung bakit hindi man lang siya pinansin ni Griffin. Well, ako din naman eh nagtataka.
"Nag away ba kayo?" tanong ko kay Mirjana pero umiling siya. Mukhang may ikekwento ka sakin mamaya Griffin.
Pumunta na kami sa room at nakita namin dun si Steph na kasalukuyang kalandian este kadaldalan si Keith kaya lumapit kami sa kanya saka siya tinabihan.
"Hi Steph. May utang ka pa samin ha?" paalala ni Sophia kaya napatawa lang si Steph saka umiling.
"Keith nasaan yung mga kaibigan mo?" tanong ko kaya itinuro niya si Liam na kasalukuyang nakaearphones habang nakapikit.
"Bro! I have something to show you! Come on!" napatingin kami kay Wesley na kakapasok palang sa room at tinawag si Liam at Keith kaya sumenyas samin si Keith na uuna na muna siya kaya tumango kami.
"Steph, ano na?" excited na sabi ni Sophia. Napatingin naman si Steph sa mga bodyguards ni Mirjana saka sa amin. Oh, oo nga naman, nakakahiya.
"Dun niyo nalang po ako hintayin sa labas." sambit ni Mirjana, pertaining to her bodyguards.
"Pero mam, ang bilin ni sir, wag naming hayaan na mawala ka sa paningin namin." sabi nun isang bodyguard kaya napairap si Jana.
"Tingin niyo mawawala ako pag nasa labas kayo tapos ako nasa room?" inis na sabi niya kaya hinawakan ko ang balikat niya para pakalmahin siya. Lumabas na yung bodyguards niya at nakita naming doon lang sila tumigil sa mismong labas ng room namin at pinagtitinginan na nga sila ng mga students dito eh.
"Nakakainis" sambit ni Mirjana kaya hinagod ko ang likod niya.
"Kalma sis, kalma" natatawang sabi ni Sophia.
"Nakakainis naman kasi si daddy eh. Ngayon lang naman siya naging overprotective na ganito eh." sambit niya.
"Kasi nga, dahil sa nangyari sayo kaya siya ganun. Ayaw lang niyang maulit pa yun." sambit ni Sophia. Nakwento na din namin kay Steph yung nangyari kay Mirjana at galit na galit siya. Susugudin pa nga dapat niya sina Anya eh kaso pinigilan namin, baka kasi kung ano na naman ang mangyari.
"Tingnan mo, pati si Griffin lumalayo na, feeling ko nga dahil din kay daddy eh." sambit niya kaya napakunot ang noo ko kaya napatingin siya sakin. "Sa hospital, remember?" sambit niya kaya napatango ako.
"Erase, erase. Steph ano na? Nasaan na yung isa mo pang pasalubong?" sambit ni Sophia kaya napatawa kami. Kahit kelan talaga tong babaeng to.
*************
Maagang umuwi si Mirjana dahil sa bodyguards niya. Dahil din kasi dun sa nangyari nagkaroon siya ng curfew. Dapat daw school-bahay lang siya. Naaawa na nga ako sa kanya eh.

BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
LosoweFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.