Stephanie's POV
Nagising na lang ako na sobrang sakit ng pisngi, tiyan at ulo ko. Pagmulat ko ng nga mata ko, ang una ko agad nakita ay isang puting kisame at puting ilaw. Nasa langit na ba ako? Syempre wala pa kasi naman ito ako oh humihinga at nakakapag-isip pa. Pero na saan ba talaga ako.
"Stephanie, buti na lang gising ka na." sabi ni Manang na parang alalang alala sakin
"Manang na saan ba ako?" tanong ko
"Nasa hospital ka, Stephanie. Buti na nga lang nadala ka agad dito nung mabait na batang lalaki at agad niya akong tinawagan." sabi ni Manang
"Batang lalaki?" tanong ko ulit
"Oo, ano nga bang pangalan nun.....Kie ata." sabi ni Manang na parang di sigurado
" Kie?" Tanong ko. Sino naman kaya yun.
"Kaklase mo daw siya eh. Uhmmm. Ano nga ba pangalan nun?...... Ayun! Keith. Keith ang pangalan ng nagdala sayo" sabi ni Manang
"Si Keith?" Tanong ko.
Si Keith? Siya ang nagdala sa akin dito? Paano. Bakit. Aha! Naalala ko bigla ang nangyari sakin kahapon. Nung time na may nakita akong letter sa locker ko, yung bumalik ako sa abandoned room, yung nakita ko sina Anya at nung pagtulungan nila akong apat. Pati na rin ang pagtulong sakin ni Keith.
"Manang nasan na po si Keith?" tanong ko
"Ah kaaalis lang niya eh. Bakit?"
"Kaaalis lang niya po?" tanong ko ulit
"Oo kasi magdamag ka niyang binantayan eh. Pero sinabi ko na ako na lang ang magbabantay sayo kasi may pasok kayo di ba?" sagot ni Manang
.............
Mirjana's POV
"Aba nasan na kaya ang bruhang si Stephanie?" tanong ko sa dalawang kasama ko
"Aba malay namin. Di ba magkakasabay naman tayong umuwi kahapon?" sagot ni Cosette
"Alam ko. Pero baka kasi nagtext sa inyo. Malapit na kasing magtime, wala pa din siya. Baka malate siya eh." sabi ko
"Baka naman di papasok." sabi ni Sophia
Naputol ang usapan namin ng biglang magring na ang bell
RING*RING*RING
Pumasok na kami sa room. Nagbabakasakali pa rin ako na biglang dadating si Stephanie pero natapos na ang lahat ng class namin pero di siya dumating.
Dahil hapon na pumunta na kami sa abandoned room.
"Oh mukhang kulang kayo ah." mapang-asar na sabi ni Griffin
"So what's your pake?" sabi ko.
Nagsimula na naming maglinis pero napansin kong tahimik si Keith.
"Oi Keith may hindi ka ba sinasabi sa amin? Alam mo ba kung nasan si Stephanie?" tanong ko na parang close kami
"Close ba tayo? Bakit ko sasabihin sayo?" sabi niya
"Pwede ba umayos ka? Dadagukan kita eh." sabi ko at lumapit ako sa kanya
"Say please first"sabi nito
"Sasabihin mo ba o papatayin kita dito ngayon"
"Ako na lang dahil patay na patay ako sa'yo eh" singit ni Griffin.
"Isa ka pa dyan gusto mo isama na kita dyan.Tumahimik ka."
"Tatahimik lang ako kung ikikiss mo ko ay hindi pala, kung titigil ka nang tumalak"
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
RandomFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.