Cosette's POV
After one and a half month.......
"Patch!" napalingon ako nang tawagin ako ni Liam kaya nginitian ko siya at kinawayan. Tumakbo naman siya palapit sakin at tinulunganakong buhatin ang mga books ko.
"Dami naman nito. Mag aaral ka na ba para sa semi finals next week?" tanong niya kaya tumango ako.
"Oo eh, mahirap na baka kapusin ng oras sa pag aaral. Ikaw ba? Kelan ka magsstart?" tanong ko sa kanya kaya saglit siyang nag isip bago magsalita.
"Sa weekend nalang sana kasi tinatamad pa ko eh, pero dahil nainspire akon mag aral na dahil sayo, sasabay na ko sayo. Sabay tayo?" tanong niya at tinaas baba pa ang kilay kaya ngumiti ako at tumango.
"Tara?" sabi niya kaya tumango ako at inakbayan niya ako. Naglakad na kami pero nang makalayo kami ay tumigil siya at tumingin sakin.
"Teka. San ka ba mag aaral?" tanong niya kaya napatawa ako.
"Sa library. Ikaw naman kasi eh hila ka ng hila dyan eh nd mo naman pala alam kung san tayo pupunta" sabi ko kaya napanguso siya at tumingin sakin kaya natawa ako at ginulo ang buhok niya.
"Iyan ka na naman eh.. Guguluhin mo na naman buhok ko" nakanguso niyang sabi. Ang cute niya talaga pag ganyan siya. Pinisil ko ang pisngi niya kaya ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.
"Ehem. Ehem." napalingon kami sa harap at nakita namin si Keith at si Griffin na magkaakbay, parehong nakangiti nang may halong malisya. Hayss
"Set ha?" pang aasar ni Griffin at tinaas baba pa ang kilay sabay sundot sa tagiliran ko kaya hinampas ko siya.
"Yieee kayo ha.. Kasweet naman" sambit ni Keith at ginaya pa nilang dalawa yung ginawa namin ni Liam kaa napailing ako. Baliw talaga.
"Tumigil nga kayong dalawa. Wala lang kayong magawa eh. Pagbubuhulin ko kayong dalawa" banta ni Liam.
"Iiiiihh baka nga kaya mong gawin yun." sambit ni Griffin at tumango naman si Keith saka nag apir ang dalawa.
"Mag aaral ba kayo?" tanong ni Keith kaya tumango ako.
"Bakit? Papaturo ka?" tanong ni Liam na parang may halong banta pa.
"Magpapaturo sana kaso quality time niyo yan eh baka makagulo pa ko" sabi ni Keith sabay ngiti na naman nang nakakaasar kaya itinaas ni Liam ang kamao niya kaya nagtakip yung dalawa.
"Di bale na, sama na tayo sa kanila bro. Titingnan natin ang mga galawan nitong si Yam" bulong ni Fin kaya ngumiti nang malapad si Keith. Bulong pa eh rinig na rinig naman namin.
••••••••••••••••••••••
"Patch. Pano ba to?" tanong ni Liam at itinuro ang hindi niya maintindihan sa Math. Kinuha ko yung papel niya at ballpen.Magkatabi kami ngayon dito sa library habang nagsosolve ng mga problems samantalang yung dalawa ay nasa tapat namin at naglalaro pareho ng online games. Ah kaya pala sumama, kasi may internet dito sa library. Para makapaglaro sila tsk tsk.
"This one?" tanong ko kaya tumango ako. Lumapit siya sakin para makita ng maayos kung pano ko gawin yun.
"Pag ibinaba mo yung constant na negative magiging positive siya diba?" sambit ko at tumango tango siya. "Tapos yung nasa baba naman na negative, pag itinaas mo ganun din tapos--" naputol ang sasabihin ko nang mapatingin ako sa kanya at nakatitig lang siya sakin, hindi dun sa tinuturo ko. Nagkatitigan kami ng mga ilang seconds nang biglang inagaw ni Griffin yung papel at sinolve yung itinuturo ko kay Liam. Nagulat kami pareho. Ibinalik yun ni Griffin at kumindat samin.
BINABASA MO ANG
Clash of the Campus Kings and Queens
AcakFour cool girls met the bad boys. War, friendship and love happened between those two rival groups. So they can say, it all started in their school, Willford Academy.