Chapter 4-What?!

531 13 0
                                    

Stephanie's POV

KRINGGG! KRINGGG! KRINGGG!

Ginising ako ng alarm clock ko.. Hayy... Good Morning world! Ansaya saya ko ngayong araw na ito. Kasi..... Finally magsisimula na ang revenge este task namin for the boys. Excited na akong makita ang magiging reaction nila sa paglilinis. Gusto kong makita kung pano sila mandiri habang pinupunasan yung mga alikabok. Hay. Buti nalang at hindi namin naranasan yung ganon.

Makapagready na nga at excited na akong makita ang paghihirap ng boys. Agad akong naghanap ng damit sa wardrobe ko. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para magbreakfast.

"Good Morning manang!" Masayang bati ko kay manang.

"Oh. Hija bakit parang ansaya mo ata ngayon." Tanong sa akin ni manang.

"Secret!" Sagot ko kay manang.

"Siya nga pala maagang umalis---" naputol ang sasabihin ni manang nang sumabat ako.

"Maagang umalis sina mama kasi may business trip sila. Alam na alam ko na ang linyang yan manang eh" pagdugtong ko sa sasabihin ni manang.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan hanggang sa binasag ito ni manang.

"Nga pala hija, level 50 na ako sa aa!" Masayang sabi sakin ni manang.

"Oh talaga manang. Dayaaa. Ako nga eh 36 palang. Buti ka pa." sagot ko sa kanya.

Bonding na namin ni manang ang maglaro ng aa. Kaya kami magkasundo niyan eh. Buti pa nga kami ni manang nagbobonding eh samantalang kami nina mama--- UGHH.. Forget it Steph! dapat maging masaya ka okay?

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang at sumakay na ako sa car ko
************

Pagdating ko sa school nakita ko agad sina Mirjana na nag aabang sakin sa may parking lot na nakatayo sa kanilang sari sariling kotse. Si Mirjana naka Porsche na pink, si Sophia naka pink na Audi r8, at si Patch naman ay naka BMW m4 na color white. Sosyal nila no?

"Good Morning Girls!!" masayang bati ko sa kanila.

"Oh. Bakit ang saya mo ata ngayon?" tanong ni Cosette

"Bakit? Masama na bang maging masaya? Syempre diba ngayon na yung start ng task ng mga boys?" sagot ko kay Cosette.

"Ay oo nga pa---" naputol ang sasabihin ni Mirjana nang dumating apat na boys.

"Good morning girls. Good morning Stephie" masayang bati sa amin ni Keith.

"Hi! Good Morning Bestfriend! Good Morning Mirjana" nakangiting bati nung walang matang si Griffin kay Mirjana na inirapan naman nito.

"Good Morning din Fin" bati sa kanya ni Cosette

"Nako. Kung alam niyo lang. Sadya maganda ang araw ko ngayon. It is because today is the start of your task. Good Luck sainyo" sagot ko sa kanila.

"Okay we'll see then" sagot sakin ni Keith

"Let's go na girls magsisimula na nga pala ang class for 5 minutes" pagpapaalala samin ni Sophia.

"Okay" matipid na sagot ni Cosette.

Umalis na kami doon at pumunta na kami sa room.

Nagdiscuss lang ng nagdiscuss ang teacher namin kahit wala na kaming maintindihan sa pinagsasasabi niya.

Hindi namin namalayan at nagbell na hudyat ng uwian. Hayyy.. Sa wakas!

"Hey Keith! Remember your task. So wag muna kayo aalis" pagpapaalala ko sa kanya.

"Yeah. We know. Tara na at ipakita niyo na samin ang room na lilinisin natin" sagot sakin ni Keith. Wait. Anong namin?

"Excuse me?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Ay sorry. KAMI nga lang pala" sagot niya na iemphasize pa ang 'kami'.

Umalis na kami para puntahan ang room na lilinisin nila.

******************

Pagdating namin don, nagulat ako kasi nandoon si Ms. Marasigan at mukhang may hinihintay.

"Oh. My dear Queens buti nalang at nandito na kayo. Kanina ko pa kayo hinihintay eh." sabi ni Ms. Marasigan nang makita kami.

"Uhmm. Bakit po?" tanong ko sakanya

"I just like to inform you na the four of you..." Sabi ni mam sabay tingin sa aming apat na babae "...... will also do the task" pagpapatuloy ni Ms. Marasigan.

"WHAT??" sabay sabay na sigaw namin. "Sorry mam. Carried away"

"Hindi halata" pamimilosopo ni Keith na inirapan ko.

"Bakit po? I mean di ba po ang task na ito ay para mapatunayan na these four boys really deserve to be the kings?" pagrereklamo ko kay miss.

"Yes. Pero paano naman kayong queens? I guess the four of you as well should experience this too. Para na din mapatunayan niyo sa sarili niyo na deserving kayo to be the queens of this school" pagpapaliwanag sa amin ni miss.

"But--"

"No more buts. I made up my mind and that's final. Okay I need to go. Good Luck sa task niyo. By the way bukas nalang kayo mag start"

"Okay mam"

Pagkalayo ni miss ay agad akong napatingin kina Keith. And to my surprise, nakangisi si Keith! My God! Sinasabi ko na nga ba eh may masamang mangyayari at feeling ko sila ang may gawa nun.

"As I told you, WE are going to clean this." sabi ni Keith habang nakangisi na inemphasize pa ang WE.

"Pakana niyo ang lahat ng to ano?" inis na sabi ko

"Whoa miss. Chill. You don't have the right to accuse us kasi you don't have any proof" sagot ni Keith. "Atsaka ano ba kinaiinis mo? Ayaw mo bang maglinis? Sabagay maarte ka nga pala"

"Hindi ako maarte. Tigilan mo nga ako Keith. Kung ayaw mong keith-keith ko yang mukha mo sa pader. Tara na nga girls bago ko pa tuluyang ikiskis ang mukha nito sa pader" inis na sabi ko

Lumakad na kami palayo hanggang sa magsalita ulit si Keith.

"Bye Stephie! Wear your best clothes for tomorrow and don't forget to bring alot of ethyl alcohol kasi alam kong maarte ka at sensitive"

"Yeah right whatever" walang ganang sabi ko bago tuluyang sumakay sa kotse ko at umuwi.

**************

Mirjana's POV

Pagdating ko sa bahay agad kong nakasalubong ang kuya kong epal.

"Oh bat ganyan ang mukha mo?" tanong ni kuya sakin

"Pano ba naman maglilinis kami bukas ng isang abandoned room ng school na sobrang nakakadiri" sagot ko sa kanya.

"Arte mo naman"

"Edi ikaw ang maglinis." sabi ko sa kanya.

"Oh" sabi ni kuya sabay hagis sakin ng isang bag na maliit.

"Ano to?" tanong ko sa kanya.

"Bag" pamimilosopo nito.

"Alam ko" -ako

"Alam mo pala eh nagtatanong ka pa." -kuya

"I mean anong laman nito?" -ako

"Tingnan mo kaya" -kuya

Binuksan ko ang bag na ang laman lang naman ay gloves, alcohol at mask.

"Para san to?" tanong ko

"Para bukas sa task niyo. Alam ko namang kailangan mo yan kasi maarte ka." pang aasar ni kuya.

"Hindi naman. Hindi ko to gagamitin kasi hindi ako maarte" sabi ko kay kuya sabay belat sa kanya bago ako umakyat sa kwarto ko.

*Kwarto*
Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa pink kong kama. Habang nakahiga ako ay tinititigan ko ang bag na bigay sakin ni kuya. Akala niyo hindi ko dinala no. Syempre pa-secret ko lang siya dinala para hindi halata. :D

Muli kong tiningnan ang laman ng bag na iyon. Hmmm. Mask para sa ilong, gloves para sa kamay at alcohol para sa germs. Oh. Kumpleto naman pala eh. Bait talaga ni kuya. :P

Clash of the Campus Kings and QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon