EPILOGUE

21 0 0
                                    

This has been my 3rd book in wattpad🥰 Please continue reading my genuinely made love stories..
                          ♥️Alhexxia Vhienne♥️

      †****†****†****†****†****†****†

"Naku naman, ngayon pa talaga tumirik ang sasakyan ninyo Manong Salome", angil ni Marinette nang biglang umusok ang hood ng sinasakyang jeep at huminto ito sa gitna ng daan. Inilabas ang bayad mula sa bulsa at iniabot dito. "Dito na lang ako Manong, tatakbuhin ko nalang po tutal malapit na lang din naman". Mabilis itong bumaba. Nang makita ang oras sa suot na relo ay mabilis na itong naglakad.

Unang araw niya sa trabaho kaya kailangan niyang makaabot sa kompanya ng maaga.

Hingal na hingal si Marinette nang makarating ito sa kompanya. Tumatagaktak ang pawis sa noo nito.

"Bago ka lang dito?", tanong ng guard. Iniabot ang tissue paper.

"Salamat. Opo, unang araw ko po ngayon", mabilis na nagpunas at inilabas ang ID mula sa bag at ipinakita dito.

Tumangu-tango ang guwardiya. "Matapos kang magsulat dito sa logbook, dumiretso ka sa HR Department. At sa susunod, agahan mo kung ayaw mong makaltasan ang sahod mo", paalala nito.

Tumango si Marinette. Kahit naman may pagkasuplado ang guwardiya ay hindi niya maitatanggi na guwapo ito at sa suot na uniform ay nakakubli ang matipunong katawan.

Sa HR dumiretso ang dalaga. Matapos mabigyan ng account sa bandy clock ay sinabihan na siyang dumiretso sa 45th floor kung nasaan ang opisina ng kanilang Manager dahil naghihintay na duon ang isa sa mga staff para maiassist siya.

"Ms. Veneracion, kanina pa nasa loob si Boss. Gumawa ka na ng kape, black, no cream and 30% sugar".

Tumango ito at mabilis ang naging kilos. Maya-maya'y pumasok silang dalawa sa opisina.

Nasa edad 50's na ang kanyang magiging amo. Sa tingin niya ay may lahi itong instik dahil sa medyo singkit na mga mata.

"Coffee sir", marahang inilapag sa mesa ang tasa ng kape.

"Thank you Ms. Veneracion. By the way Leandra, ituro mo ang mga kailangang gawin ng bago kong secretary the whole day. Iyan ang gagawin niya para makabisado niya. Anyway, wala naman akong meeting today".

"Yes Chairman", at nag-atubiling iginiya si Marinette palabas ng opisina ng boss.

Madali namang natuto si Marinette sa mga magiging trabaho. Dati na rin kasi siyang naging secretarya kaya kahit papaano ay hindi na ito bago sa kanya.

"Ayaw na ayaw ni Boss ang late. Kaya mabuti na lamang at unang araw mo. Sigurado, masasabon ka kapag nagkataon".

"Pasensiya na po Ma'am, tumirik kasi yung sinasakyan kong jeep kanina".

"Bakit hindi ka na lang tumingin ng mas malapit dito. Kasi sa masyadong malayo ang tinitirhan mo. Tatlong sakayan bago ka makarating dito".

"Pag-iisipan ko po Ma'am".

Tumango si Leandra. "Pag-isipan mo. May mga kakilala akong may-ari ng paupahang bahay sa malapit. Magsabi ka lang para maibigay ko ang mga lugar nang mapasyalan mo".

"Marami pong salamat Ma'am".

"O siya, tutal nasabi ko naman na sa iyo ang mga dapat mong gawin babalik na ako sa trabaho ko".

Tumango si Marinette. "Marami pong salamat ulet Ma'am". Naupo na si Marinette sa magiging pwesto. Ipinatong ang bag sa mesa at inilabas ang mga dala-dalang gamit.

May sarili itong pencil at pen case, calendar table, note pad, notebook para sa minutes, recorder, stapler at hindi mawawala ang picture frame ng buong pamilya.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon