"Nay, sobrang dami po ng mga ito", natutuwang niyakap ang ina.
"Oo anak, alam mo naman si Nanay, gusto ko masaya ang anak ko. Sorry anak, sa susunod dadalhin na talaga kita duon".
Tumango ito at sinimulang lantakan ang paborito nitong french fries.
"Tiya, ako na po diyan. Magmiryenda na po muna kayo", nilapitan ito. Nang tumayo ang tiyahin ay ito naman ang pumuwesto sa cashier.
Nang wala nang mga customer ay tumulong na ito sa pag-aayos ng mga items at nagfill-up ng mga naibawas sa lagayan. Ito na ang naging trabaho ni Marinette maliban sa pagdedeliver upang makatulong sa tiyahin. Tumutulong ito sa pag-inventory tuwing biyernes para makapag-order na naman at maideliver tuwing lunes.
Nang matapos ay nagpasya nang umuwi ang mga ito. Hindi alam ni Marinette kung paano niya sasabihin sa tiyahin ang totoo pero hindi pa siya handa. Hiling lamang niya ay huwag magkrus ang landas ng mga ito lalo na ni Andrei. Pero ibinahagi niya rito ang mga nangyari kanina.
"Sobrang dami naman ng mga ito Marinette. Siya din ang bumili ng mga ipinasalubong mo?".
Tumango ito. "Heto pang cellphone Tiya. Tinanggihan ko naman po kaso ayaw naman po niya".
"Naku, magpakabait kang bata ka. Huwag mo siyang susuwain. Nakakahiya naman, sobrang dami niyang ginastos para sa iyo. Maging ito pang kwintas ni Andrei?".
Tumango muli ito.
"Opo Tiya, sabi ko naman babayaran ko siya unti-unti pero ayaw naman po niya".
"May girlfriend ba siya?".
"Meron po Tiya, sobrang ganda at ang sexy pa. Isa pong modelo na nasa Paris ngayon pero uuwi po para ipagdiwang ang kanilang Third Year Anniversary. Iyon nga po ang gusto kong sabihin Tiya, kasi gusto po niyang sumama po ako sa El Nido, Palawan para matulungan ko po siya sa inihanda niyang sorpresa sa kanyang girlfriend".
"Aba! Sumama ka Hija".
"Pero kasi Tiya, sumabay po ito sa pagdiriwang ng birthday ni Andrei sa 28".
Natahimik ito. "Sumama ka na anak, ipagdiwang mo na lamang ang birthday ni Andrei sa 30, para Linggo at makapunta tayo sa resort. Alam mo namang swimming ang inaasahan ng anak mo".
Napangiti ito. Tama ang kanyang tiyahin. Wala namang masama kung hindi maipagdiwang ang birthday sa eksaktong kaarawan. "Salamat po Tiya", niyakap ito.
"Itong batang ito, siya sige na. Marami ka pang aayusin kaya lalabas na ako", hinagkan muna sa pisngi ang tulog na tulog na apo bago lumabas.
Nang makaalis ang tiyahin ay sinimulan na nitong ilabas ang mga laman ng paper bags. At talagang nalula ito dahil sobrang laki ng nagastos ni Jervis.
Itinabi muna ito sa upuan. Lalabhan na lamang niya ang mga ito bukas dahil ramdam din niya ang pagod sa buong maghapon.
†*****†*****†*****†*****†
"Sir, you have a phone call po at Line 4".
Walang tugon mula rito pero alam niyang narinig siya nito. Siguro ay may kausap ito sa cellphone.
Ilang sandali pa ay tumayo ito para ibigay ang kailangan nitong dokumento kaya kumatok ito sa pinto at pumasok. Nagulat ito ng makitang nakayuko sa mesa nito ang boss. Nag-aalala itong lumapit. "Sir? Okey lang po kayo?". Tinapik ito sa balikat. Nagulat ito ng mag-angat ng ulo ay may luha ang mga mata nito.
Walang imik na niyakap ni Jervis ang sekretarya sa baywang nito.
Hinayaan naman ito ni Marinette. Marahan niyang hinaplos ang likod nito.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...