CHAPTER 10

2 0 0
                                    

Bago pa mag-alas singko ng hapon ay natanggap na ni Jervis ang DNA Result.

The probability of Paternity is 99.9998%.

Gustong tumalon ni Jervis sa tuwa. Nakaramdam siya ng kakaiba ng mga oras na nakita nito ang larawan ng bata habang karga ni Marinette.

"Oh God!", tanging naisambit nito. Naupo at ipinikit ng mga mata. All of this time ay mayroon pala itong anak with her. Gusto niyang malaman kung bakit ayaw itong ipagtapat ni Marinette sa kanya.

Kailangan niyang makilala ang anak. Gusto niyang makasama ito.

Habang nasa daan pauwi ay walang imik si Marinette.

"Hey! Tahimik ka, is there a problem?", tanong ni Jervis habang nagmamaneho.

"Wala ito".

"Do you have anything to say?". Pinakiramdaman ni Jervis ang dalaga. Gusto niyang sa dalaga magmumula ang katotohanan.

Umiling ito.

Maya-maya'y inihinto ni Jervis ang sasakyan sa isang toy shop. "Let's go and buy toys for Andrei".

Natigilan si Marinette. "Huwag na Jervis, marami pa siyang laruan".

"I'll go and buy, wait me here". Lumabas at naglakad papasok sa store.

Nang bumalik ay may dala na itong mga naglalakihang paper bags.

"Sobrang dami mo namang pinamili. Sana hindi ka na nag-abala pa".

"I insist".

Nang makarating sila sa bahay ay agad na sinalubong ni Andrei ang ina. Yumakap at nagpakarga dito.

"Nay, sino po ang kasama ninyo?", napatingin sa lalaking bumababa ng sasakyan.

"Paul Jervis Ledesma, that's my name little boy", lumapit sa mga ito. "Can I carry you?".

"Inay". Tumingin ito sa ina na nagtatanong kung papayag ba itong magpakarga.

"Sige na anak, he's your Tito Jervis".

Iniabot ni Andrei ang mga kamay at kinarga naman ito ni Jervis. Marahang niyakap at hinagud-hagod ang likod nito. "I have a surprise for you", dinala ito sa sasakyan.

"Wow! And dami po nito Tito".

Kitang-kita ni Marinette kung gaano kasaya ang anak. Napatitig siya sa dalawa.

"Nay, sobrang daming laruan", ani Andrei.

"This is all for you, An..drei!", gusto na niya itong tawaging anak pero nag-alangan ito. Binitbit ang mga paper bags at naglakad palapit kay Marinette. "Can we go inside now?".

Tumango naman si Marinette. "Ako na ang magbubuhat kay Andrei".

Umiling ito. "I can handle", ngumiti ang binata.

Wala namang nagawa si Marinette. Binuksan na lamang nito ang pinto.

Titig na titig si Aling Minda sa bisita. Nagulat ito dahil hindi maikailang magkahawig ang dalawa.

"Magandang hapon po", bati ni Jervis. "Jervis Ledesma po", iniabot ang palad.

Tumango si Aling Minda. "A..ako Sir yung Tiyahin ni Marinette".

"Jervis nalang po Tiya".

Napangiti si Aling Minda. Madali namang nagkagaanan ng loob ang dalawa.

"Jervis Hijo, sandali na lang at maluluto na ang panggabihan natin".

"Opo Tiya, maglalaro na muna kami ni Andrei", buhat parin ang bata ang mga laruan at inasemble ang mga ito.

Walang pagsidlan sa tuwa si Andrei. Malalaking sasakyang, robot, helicopter, dinasour na lahat halos ay may remote control. May kasama pang isang box ng battery.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon