CHAPTER 13

3 0 0
                                    

Napahilig si Marinette sa balikat ng binata nang makaramdam ito ng pagkahilo habang nasa loob sila ng elevator. Sumama si Marinette sa office para mai-turn over sa bago nitong secretary ang mga importanteng files.

"Are you okey?", marahang niyakap ang baywang ito upang maalalayan.

"Nahilo lang ako", anito. "Pero ayos na ako".

Nanatiling naka-alalay si Jervis dito. Hindi niya ito binitawan hanggang sa makarating sa opisina nito.

"Good morning sir", mahinhing wika ni Nancy.

"Get us water Ms. Mendoza", utos nito na hindi sinagot ang pagbati nito.

Nagmamadali namang sumunod ang babae.

Nang makita ni Marinette ang secretary ay tila kinutuban ito. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya gusto ang hitsura at pagtitig nito kay Jervis.

"She's the new secretary Honey", ani Jervis. "Nancy Mendoza".

"Nice meeting you Ma'am", anang babae habang inaabot ang isang basong tubig.

"Salamat", ani Marinette.

"Are you sure okey ka na?", nag-aalalang tanong ni Jervis habang hinahagod ang likod nito.

Tumango ito. "Ituturo ko lang kay Ms. Mendoza ang mga files para makauwi na ako mamaya, naghihintay si Andrei".

"Okey, sabihan mo na lang ako para maihatid na kita".

Humalik muna si Marinette sa pisngi nito bago tumayo. "I love you!", at lumabas na. Hindi na nito hinintay ay isasagot ng binata dahil alam niyang hindi naman ito tutugon.

Napangiti si Jervis. Ilang minuto din itong napatitig sa pinto.

Naupo ito at hinarap ang computer habang nasa likod ang secretary.

"Ma'am, ano kasi, magsasabi po ako ng totoo sa inyo. Meron kasing babaeng nagpunta dito, Ivy Ledesma ang pangalan niya. I heard everything, ang sabi ni Sir Jervis ay kailangan niyang maging mabait sa iyo para makuha niya ang anak niya sa iyo", pagsisinungaling nito. "Kapag nakuha na niya ang tiwala ng bata ay kukunin at ilalayo niya ito sa iyo. Hinding-hindi ka niya mamahalin dahil ang tototo ay si Ivy parin ang mahal niya".

Awtomatikong natigilan si Marinette. Tila nadurog ang puso niya sa mga narinig. Hindi ito nagsalita. "Alam ko kung saan ako lumulugar Ms. Mendoza. Bigla ay parang nawalan ng lakas ang kanyang katawan. Tila ba isa itong kandila na nauupos. Mabilis na itinuro dito ang mga files. Halos nagmamadali ito sa kilos dahil ayaw niyang sumabog sa harapan ng sekretarya. Nang matapos ito ay nagmamadali ng umalis. Ni hindi na ito nagpaalam pa kay Jervis.

"Mukhang effective ang plano mo. Kasasakay lang niya sa elevator pababa. What are you going to do now?", nakangising tanong ni Nancy sa kabilang linya.

"Mari-", naakunut-noo ang binata nang hindi makita ang dalaga. "Where is she?".

"U..malis na po sir, a..ng sabi niya ay hindi na daw niya kayo aabalahin", pagsisinungaling nito.

Mabilis na sumakay ng elevator ang binata. Sinubukan nitong tawagan ang numero nito pero hindi sumasagot si Marinette.

Habang palabas ng kompanya si Marinette ay may nakabangga ito.

"Ooopps! Are you okey? I'm sorry. By the way, I'm Russel Montano. Namumutla ka" at hinawakan ito sa braso.

"It's okey Sir, o..okey lang ako", napalayo pero dahil sa nararamdaman ay tila nanghina ito kasabay ng pagkahilo.

Mabilis itong inalalayan ng lalaki palabas. Tumawag ito ng taxi.

Hindi maaaring magkamali si Jervis. Kitang-kita ng dalawang mata niya si Marinette habang akbay ito ng lalaking kasama nito. Napatiim-bagang ito at galit na bumalik sa opisina.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon