CHAPTER 1

7 0 0
                                    

"Sobrang guwapo talaga ng security guard natin".

"Oo nga, sobrang macho pa. Hindi nakakasawang pagmasdan".

Sa mga naririnig ay nanatiling tahimik si Marinette. "Guwapo nga pero may pagka- suplado at mapagbintang pa", bulong ng isip nito.

"Naku, siya na yata ang prince charming ko".

"Sinabi mo pa, alam mo bang may pagtingin din sa kanya si Ms. Liza, 'yung head ng design".

"Alam mo bang araw-araw niyang binibigyan ng miryenda yung gwardiya".

Nang makarating sa 15th floor ay bumaba ang dalawang babae na patuloy paring nag-uusap tungkol sa gwardiya.

"Excuse me, I am on my way to the Chairman's Office at the 25th floor".

Napalingon si Marinette sa lalaking nasa edad 50s na din. Nakita nito ang mga dala-dalang gamit. "S..sir, I am his secretary. Would you mind if I'll take some of your things?".

Iniabot nito ang laptop bag at attachecase. "Thank you so much".

"Marinette Veneracion sir. You will be attending the conference Sir?".

Umiling ito. "No Ms. Veneracion, I am here for the contract signing. By the way, I am the CEO of Villaverde Real State, Lorenzo Villaverde. Well, nag-iisa ako dahil naka-leave ang aking secretary".

Napakunut noo ito. Wala iyon sa schedule ng boss na ibinigay ni Ms. Leandra kahapon.

"Inagahan ko na para maisingit mo sa schedule ni Don Ledesma".

Nang makarating sa opisina ng boss ay hindi na muna niya ito pinapasok sa loob. Tumawag ito sa numero ng boss na nasa directory. "Good morning Sir, Mr. Lorenzo Villaverde is already here Sir and he said you have a scheduled contract signing with him".

"Oh Yes Ms. Veneracion, tell him I am on my way to the company".

"Yes Sir", at ibinaba na ang telepono. Nang makumpirma mula sa boss ang schedule ay magalang niyang pinapasok sa loob ng opisina ang bisita. Binigyan niya ito ng kape at kinausap muna habang wala pa ang boss. Hindi niya hinayaang maiwan ito sa loob ng mag-isa.

Ilang saglit pa ay pumasok ang boss kasunod nito ang guwardiya na bitbit ang ilang gamit ng Don.

Marahang tumayo si Marinette at kinuha ang mga gamit na dala-dala ng guwardiya. "Salamat Mr. Rivera, I'll take it from here".

"Salamat Bartolome", ani Don Genaro. 

Hindi maiwasan ni Marinette na matawa sa ng marinig muli ang pangalan nito. At hindi iyon nakaligtas sa binata.

Matiim na tumitig sa dalaga bago tuluyang lumabas.

Tila balewala naman iyon kay Marinette. Nagtungo sa coffee table at nagtimpla ng kape ng boss.

Matapos ang contract signing para sa tie up project ng Ledesma at Villaverde ay sumunod naman ang conference para sa launch ng bagong project ng kompanya.  

Hindi naman inaasahan ni Marinette na ipapakilala siya ng boss sa mga empleyado at mga bisitang naroroon.

"What a great day Ms. Veneracion!", nakangiting wika ni Don Ledesma nang makaupo na ito sa swivel chair.

"Water Sir?", dumiretso sa water dispenser at kumuha ng maiinom.

"Thank you Ms. Veneracion".

"You're welcome Sir. Sa labas lang po ako, I have to finish the minutes bago mag-five Sir".

Tumango ito.

Makalipas ang thirty minutes ay nagpaalam na ang boss dahil may date daw ito sa kanyang girlfriend na si Beatriz.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon