"Punyeta kang babae ka, anong ginawa mo sa mga gamit ko?", galit na bulyaw ni Donya Maureen kay Marinette.
Nagkalat ang mga damit nito sa sahig at gupit- gupit, may mantsa at ang iba ay namumutiktik pa.
"Ma'am, wala po akong alam dito".
"Walanghiya ka!", at malakas na sinampal ng ilang beses tsaka hinila ang buhok nito at isinubsob sa sahig. " Napakamahal ng mga gamit ko, sinira mo lang". Tsaka ito tinadyakan sa likod.
"T..tama na po Ma'am!", nanghihinang wika ni Marinette.
"Mama, anong nangyayari dito? Dinig sa baba ang -", nagulat si Maxeen nang makita ang nagkalat na sirang mga damit ng ina. "You bitch!", at ito naman ang sumunod na nanakit sa kanya.
Hindi magkamayaw si Marinette sa pagsalag sa mga sampal nito. "T..ama na po!", mabilis na tumayo at nagmamadaling naglakad palabas.
"Bumalik ka dito!", bulyaw ni Maxeen.
Pero binilisan pa ni Marinette ang takbo pababa ng hagdan. Hindi nito napansim na nasa sala pala ang asawa na nanonood ng balita.
"How dare you!", ibinato ni Maxeen ang vase na nasa ibabaw ng mesa.
Tumama ito sa ulo ni Marinette bago nabasag sa sahig.
"You deserve it!", at nagmamadaling umakyat muli ng hagdan ang dalaga.
Mabuti na lamang at hindi sa ulo niya nabasag ang vase. Marahang hinaplos ang nasaktang ulo. Inayos ang gulu- gulong buhok dahil sa ginawa ng mag- ina. Naupo ito at isa- isang pinulot ang basag na vase.
"Marinette!".
Napatingala ito. Nagulat pa ito nang makita sa harap ang asawa.
Napatitig si Jervis sa kawaksi. Tila may nag- udyok sa kanyang haplusin ang labi nito na may dugo.
Mabilis namang tumayo si Marinette. "S..ir, aayusin ko lang po ito". Ipinagpatuloy ang pamumulot ng vase. Sa kamamadali nito ay hindi sinasadyang nasugatan ito.
"Careful!", ani Jervis na hindi parin umaalis sa harap nito. Yumukod at mabilis na hinawakang ang braso nito. "Ibaba mo ang mga iyan, tawagin mo na ang mga kasama mo at sila na ang maglilinis niyan. Maghugas ka na at lagyan mo ng alcohol at benda iyan". Utos nito.
Mabilis na binawi ni Marinette ang braso. Hindi ito nagsalita at hindi rin niya ito sinunod. Mabilis ang kilos na kinuha ang ilan pang parte ng vase tsaka tumlikod na.
"Napaka-tigas ng ulo!", bulong ni Jervis habang pinagmamasdan ang babae palayo.
Kinagabihan ay hindi makatulog si Jervis. Paulit- ulit na pumapasok sa isip niya ang hitsura ni Marinette kanina. Nakapa nito ang dibdib. Parang may nararamdaman itong sakit at awa para dito. Marahang naupo sa wheelchair at lumabas.
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo sa damuhan si Marinette at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin sa langit. Malaya nitong pina-agos ang mga luha. Marahang hinaplos ang tiyan at napapikit ng mariin. "Kapit ka lang anak ha!".
"Gabi na, bakit naririto ka pa?".
Mabilis na pinalis ni Marinette ang mga luha sa mukha at tumayo para lingunin ang nagsalita. "M..alamig kasi dito sa labas Sir".
"Are you crying?".
Natigilan ito. "Iniiyakan mo ang ama ng anak mo? Nasaan ba siya? Iniwan ba kayo?".
Napatango ito. Gustung- gusto niyang sabihin ang totoo pero ayaw niyang maging kumplekado pa ang lahat. Hindi iyon makakatulong sa mabilis na pagrecover nito.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...