Church Wedding ang naganap. Nang matapos ang wedding ceremony ay sa isang exclusive hotel naman ang naging venue. Matapos ang ilang mga seremonya ay nagsimulang kumain ang mga ito.
Ni isa sa mga kapatid ng ama ni Jervis ay walang dumating pero mabuti n lamang at naroroon ang mga kaibigan at pamilya ng mga ito.
"Congratulations!", bati ng mga ito.
Piling empleyado lang ng kompanya ang dumating. Isa sa mga ito si Leandra. Ito lang kasi ang naging kaibigan niya sa opisina.
Naroroon din ang ilang parents at dala- dala ang kanilang mga anak kaya masayang nakikipaglaro si Andrei sa mga ito kasama pa ang kanyang mga pinsan sa ipinasadyang childrens' corner habang nakabantay ang kanyang yaya.
Siyempre, hindi mawawala ang kanyang pamilya at si Tiya Minda.
"Anak!", anang mag-asawa. "Masaya kami para sa iyo".
Hindi mapigilan ni Marinette ang mapaluha.
"Ikaw talaga, sa ating lima, ikaw ang pinakamalihim", anang panganay niyang kapatid. "Naku, sobrang nahihiya na kami diyan sa asawa mo. Halos lahat ng kailangan namin talagang siya ang gumastos. Talagang nagpadala pa ng dalawang Hilux para kumasya kami. Take note, kahapon lang talaga kami na-inform. Nakakagulat kayo", anang panganay nila na isang guro sa elementarya.
"Kahapon lang naman siya nagpropose Ate, isa pa ako din nagulat. Sobrang bilis". Hinanap nito si Jervis. Nasa mga kaibigan nito sa trabaho.
"Napakaswerte mo kapatid", anang bunso nila na isang BJMP Officer. Ito ang naging Maid of Honor niya at ang best man ay si Migz at abay naman si Reign.
Masaya siyang nakipagkwentuhan sa mga ito habang kumakain.
Maya- maya'y lumapit si Jervis sa mesa nila. Nagmano sa kanyang mga magulang.
"Nakatulog po ba kayo ng maayos? Sa bahay na po kayo mag-stay mamaya. Para makasama niyo naman po sina Andrei at Marinette".
"Oo hijo, maraming - maraming salamat".
Maya- maya'y nagpaalam si Jervis para ipakilala ang asawa sa mga business partners nito.
Naging masaya ang buong araw na iyon. At gaya ng nasabi ni Jervis ay sa mansion na dumiretso ang buong pamilya.
"Bongga! Sobrang laki at ang ganda naman dito", anang pang apat nitong kapatid na graduate naman ng HRM pero sa isang pawnshop nagtratrabaho.
"Iba talaga ang karisma ng kapatid natin na ito", biro naman ng pangatlo niyang kapatid na isa ring BJMP Officer.
Halos mapuno ng ingay ang mansion sa dami ng mga bata. Tsaka lamang ito nanahimik nang mag- alas diyes na nang gabi dahil inaantok na ang mga bata.
Masayang nakipagkwentuhan sina Marinette at Jervis sa mga magulang at kapatid sa sala.
"Naku, Marinette, magpahinga ka na anak. Masama sa buntis ang nagpupuyat", anang kanyang ina.
Awtomatikong napalingon si Marinette sa katabi.
"I told them yesterday!".
Nagtawanan ang mga ito.
"Ano ka ba? Sinira mo ang surprise ko".
Inakbayan ang asawa. "I'm sorry honey. Pero tama si Nanay, bawal sa iyo ang pagpupuyat kaya let's go. Hindi bale, may apat na araw pa naman tayo para makasama sila".
"Oo anak, nakiusap sa amin si Jervis. At wala naman kaming magawa dahil gusto ka rin naman naming makasama".
Masayang niyakap ni Marinette ang mga magulang at nagpaalam na maging sa mga kapatid.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...