Napangiti si Jervis habang pinagmamasdan ang mag-ina niya. Kailangan niyang gawin ang mga nangyari kagabi para makasama na niya ang mga ito dahil hindi na siya makapaghihintay pa ng ilang araw.
"Daddy!", pupungas-pungas na wika ni Andrei at naupo. "Naiihi po ako".
Binuhat ito ni Jervis at dinala sa banyo. Hinugasan na rin ang mukha nito at pinag tooth brush.
"Bibili si Daddy mamaya ng maliit na toothbrush mo ha".
"Opo Daddy".
Pansamantala ay bago at malaking brush ang ipinagamit dito. Naisip din niya na ipalipat na sa silid niya ang mga gamit ng mag-ina para sama- sama na sila sa silid.
"Andrei!", tawag ni Marinette ng magising na wala na sa tabi ang anak. Wala na din sa sofa si Jervis.
Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang mag-ama niya. Buhat- buhat ni Jervis ang anak na nakabalot sa towel.
"Good morning Nay!", bati ni Andrei.
"Good morning anak!".
"Ako na ang magbibihis kay Andrei. Ipapalipat ko na ang mga gamit ninyo dito para magkakasama na tayo dito sa silid".
Tumango naman si Marinette. Wala naman kasi siyang magagawa. Kung hindi siya papayag, ay hindi naman niya makakatabi sa pagtulog ang anak. Pumasok ito sa banyo para maghugas. Naroroon pa rin ang toothbrush na ginamit niya last time. Hindi ito itinapon ng binata.
Nang matapos ay lumabas na ito at bumaba ng hagdan. Sa sala ay naroroon na ang yaya ni Andrei at dalawang gwardiya na magbabantay sa mansion.
Pumasok ito sa kusina para tumulong sa paghahanda ng breakfast.
"Ma'am nakahanda na po ang agahan. May ipapaluto pa po ba kayo?".
Napakarami ng pagkain sa mesa. Umiling ito. "Wala na Manang, ang dami na po nito".
Maya- maya'y pumasok sa pinto sina Andrei at Jervis. Naupo ito sa puno ng mesa at iniupo si Andrei sa kanang upuan na tinabihan naman ito ni Marinette.
Habang kumakain ay walang imik ang mga ito.
"Make a leave today, I'll inform the HR. Bukas ka na pumasok. Asikasuhin mo ang mga gamit ninyo kina Tiya Minda".
Tumango naman si Marinette. Kung pwede lang ay ayaw niya itong kausapin dahil galit siya dito.
"Marinette!".
"Oo". Tipid na tugon nito.
"Inay, galit ka po ba?". Alam na alam na ni Andrei kung galit ang ina. Tipid itong magsalita o kaya ay napipilitan.
"Hindi anak, may laman lang kasi ang bunganga ni Nanay".
Napangiti si Jervis habang pinagmamasdan ang mag-ina. Bumalik ito sa pormal nang lingunin siya ng dalaga.
Inis namang itinuloy ni Marinette ang pagkain.
"By the way, ipinaasikaso ko na rin ang pag-transfer ni Andrei sa private school".
"Hindi ba pwedeng tapusin na niya ang school year? Anim na buwan na lang naman ay end of classes na Jervis".
Napaisip ang binata. "Sabagay, hindi na muna siya lilipat".
Matapos kumain ay sa hardin dumiretso ang mag-ina. Si Jervis naman ay umakyat para maligo at magbihis.
"Jervis, pwede bang isama ko si Andrei mamaya sa bahay para makapagpaalam naman siya kay Tiya?".
"Pasasamahan kita sa isang katulong para hindi ako mag-aalalang itakas mo si Andrei".
"Kapag ginawa ko iyon siguradong ilalayo mo siya sa akin. Sa dami ng pera mo, kayang mong gawin ang lahat. Kaya bakit ako gagawa ng dahilan para mailayo mo si Andrei sa akin?".
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...