Maagang dumating si Marinette pero tila sira na naman ang buong araw nito dahil nakita na naman niya ang lalaki sa pintuan.
"Good morning Ma'am!", pormal na bati ni Jervis a.k.a. Bartolome Rivera sa bagong dating na empleyada.
Hindi niya ito tinugon. Bagkus ay nilampasan lang niya ito na tila walang narinig at nakita.
"Kung ano man ang problema mo sa bahay, huwag mong dalhin dito sa opisina Ms. Veneracion", habol nito.
Awtomatikong huminto sa paglalakad si Marinette at hinarap ito. "Mukhang sanay na sanay ka nang sumira sa araw ng mga tao ano? Bastos ka na nga manhid ka pa". Inis na tumalikod at naglakad patungo sa elevator.
Nasundan na lamang ng tingin ng binata ang papalayong empleyado.
"Ms. Veneracion, may problema ba?", tanong ng isa sa mga nakasabayang empleyado.
Umiling si Marinette. "Wala naman, may nakasagutan lang ako kanina diyan sa labas".
"Akala ko naman kung ano na, by the way, I'm Christopher Manansala, from the planning department at 17th floor".
Nagkamay ang dalawa. Unang pagkikita nila ay tila magaan na ang pakiramdam niya dito.
"Nandito na ako, see you Marinette", nakangiting lumabas.
Kumaway naman ito bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Nang makarating sa mesa ay nakita na nito ang draft minutes. Marahan itong kumatok sa pinto ng opisina ng boss pero wala pa naman ito. Inayos na lamang nito ang opisina. Isinindi ang mga ilaw. Nagpunas kaunti ng mga mesa at upuan tsaka lumabas para iprint ang final minutes.
"Good morning Marinette", bati ni Don Genaro sa dalaga.
Napatayo ito. "Good Morning Sir!", kinuha ang bitbit na attachcase at binuksan ang pinto.
"May problema ba? Parang wala ka sa sarili. I mean kung hindi na kita binati hindi mo na ako mapapansin".
"Sir wala po ito", at nagtimpla ng kape.
"Come on Hija, tell me. Makikinig ako. Sit down".
Tila nahihiya itong simulan ang sasabihin. "Kasi yung guard po natin na si Mr. Rivera, sobrang manhid at bastos pa", at isinalaysay dito ang una nilang pag-enkwentro hanggang sa mga nangyari kaninang umaga.
Natawa si Don Genaro sa mga narinig. "Pagpasensiyahan mo na Hija, pero ganuon talaga si Bartolome. Hindi naman siguro niya sinasadyang iharass ka sa paghawak sa balikat mo. Minsan na kasing may madisgrasya sa elevator dahil kinain ng pinto ang necktie or scarf nung isa naming empleyado".
Nagulat ito sa narinig. Mukhang nagkamali na naman siya.
"He's too frank! Na talaga namang inaayawan din ng mga empleyado but it seems nagiging effective daw naman ito na strategy niya".
Napatangu-tango ang dalaga. "Siguro nga po, hindi lang maganda ang una naming pagkikita".
"Mag-iiba ang pagtingin mo sa kanya when you get to know him Hija".
"Siguro nga po Sir", tumayo na ito at nagpaalam para iprint ang final minutes.
"By the way Marinette, Jervis checked the minutes. Have you seen it?".
Tumango ito. "Yes Sir, yun na po ang aasikasuhin ko Sir para mapirmahan po".
"For the signing Hija, ipagawa mo nalang kay Bartolome".
Napakunut-noo ang dalaga.
"Para makabawi ka naman kahit papaano", nakangiting wika ng Don.
Napangiti rin ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...