CHAPTER 16

2 0 0
                                    

"Bobita ka talaga!", at ibinato ni Mariz ang plato at kutsara dito.

Mabuti na lamang at hindi tumama mismo kay Marinette. Nagkalat sa sahig ang laman nitong kanin at ulam.

"Patawad po Senorita, hindi ko po kayo naintindihan", nakayukong wika nito. Tama naman ang pandinig niya na ipagluto ito ng pang-agahan. Malay ba niyang hindi na pala ito kakain.

"I told you, hindi na ako kakain".

Mabilis na kinuha ang dustpan at walis at winalis ang nagkalat na bubog sa sahig, dalawang pirasong spam, bacon at mga kanin.

Pababa na siya ng hagdan ng makasalubong naman si Maxeen.

"Dalhin mo sa silid ko ang mga pinagbibili ko. Nasa loob iyon ng sasakyan", anito at dire- diretsong naglakad.

Sobrang dami ng mga pinamili nito kaya naman hindi na naman magkanda- ugaga si Marinette sa pagbubuhat.

"Marinette", ani Eunice.

"Kaya ko na ito Eunice, paki tingnan mo naman si Jervis baka nagising na".

"Oo, ako na ang bahala. Dinalhan ko na rin kanina ng miryenda si Andrei na naglalaro sa silid ni Sir Jervis".

Tumango ito at nagpatuloy sa paglalakad. "Salamat".

Hinayaan niya ang anak na samahan ang asawa sa silid nito. Duon muna ito naglalaro dahil bawal naman itong maggagala sa mansion.

"Napakabagal mong kumilos. Nakakainis, taggalin mo isa- isa sa paper bags para makita ko ang mga laman niyan. Kailangang malabhan din ito ngayon para maisuot ko na", ani Maxeen.

Nagmadali namang kumilos si Marinette.

"Dahan- dahanin mo. Baka masira ang mga iyan, may ipambabayad ka? Hampas lupang ito", bulyaw nito.

"Pasensiya na po".

"Ma'am, Ma'am ang itawag mo sa akin. Ambisyosa ka kasi, sinabihan ka na ni Mama pero hindi ka nakinig. Kung mamamatay si Jervis, sa kangkungan kayo pupulutin ng anak mo".

Hindi na lamang nagsalita si Marinette.

"Faster, labhan mo ang lahat ng ito".

Marahang kinuha ni Marinette ang mga damit at dinala ito sa laundry area sa likod ng mansion.

Matapos labhan ay dumiretso na ito sa maid's quarter. Pero wala duon ang anak kaya nagtungo ito sa silid ni Jervis.

"Di ba ang sabi ko sa iyo huwag na huwag kang pakalat- kalat", bulyaw ni Donya Maureen habang mahigpit na hawak ang tainga nito.

Dinig na dinig ni Marinette ang iyak ni Andrei. Patakbo itong lumapit sa dalawa at mabilis na kinuha ang anak. "Wala po kayong karapatang saktan ang anak ko. Sabihan niyo po siya dahil nakakaintindi siya Ma'am", mahigpit na niyakap ang anak at hinaplos ang tainga nito.

"Bastos kang babae ka. Anong karapatan mong saktan ang Mama?", mabilis na hinila ni Mariz ang buhok nito at itinulak. Nakita kasi nito ang pagtabig ni Marinette sa kamay ng ginang.

Kahit bumagsak sila sa sahig ay hindi hinayaan ni Marinette na masaktan ang anak.

"Huwag na huwag kayong kakain ng dinner. Tayo na Mama", inalalayan ang ina palayo.

"Tahan na anak. Nasaktan ka ba?", pinaupo ito.

"Hindi po Inay. Bakit po sila galit na galit sa atin Inay? May nagawa po ba tayong kasalanan sa kanila? Sana po gumising na si Daddy".

Marahan nitong niyakap ang anak. "Halika na anak, maliligo ka na para makapagpahinga ka na. Hayaan mo, gigising din si Daddy. May naitagong tinapay ang nanay, yun na muna ang kainin mo ha".

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon