CHAPTER 9

2 0 0
                                    

Natigilan si Marinette nang makita ang napakalaking larawan nina Jervis at Ivy sa sala. Hindi niya ito napansin kagabi dahil madilim sa bahaging iyon. Nakaramdam na naman ito ng kirot sa dibdib.

"Ma'am nakahanda na po ang agahan".

"Si Jervis po manang?".

"Maaga pong umalis dahil susunduin po si Ma'am Ivy sa airport".

Napakagat labi ito. Mas lalo lamang itong nasaktan sa nalaman. "Manang, patawag naman po ako kahit tricycle na masasakyan".

Sumunod naman ang kawaksi.

Kailangang makaalis na si Marinette dahil ayaw niyang maabutan pa siya ng dalawa sa mansion. Bumalik sa silid ng binata at kinuha ang mga gamit tsaka lumabas.

Nang makarating sa bahay ay wala na ang tiyahin at anak. Ilang minuto itong nahiga sa kama bago nagpasyang maligo. Ayaw niyang pumasok. Gusto niyang makasama ang anak maghapon. Kaya nagsuot ito ng pambahay at dumiretso sa grocery.

Nagulat pa ang tiyahin ng makita siya. "Wala ka bang trabaho?".

Umiling ito. "Si Andrei po?", tanong nito ng makitang wala ang anak sa playpen nito.

"Nasa likod, sumama kina Marites para kumuha ng isang karton na suka".

Naglakad ito patungo sa ref at kumuha ng malamig na coke at biscuit sa mga kabinet. "Thank you Tiya", anito at naupo sa harap ng caha.

Napailing naman ito. "Huwag mong sabihing di ka pa nag-agahan niyan?".

Umiling ito.

Maya- maya'y dumating na ang anak. Masaya itong yumakap sa kanya. "Nay".

"Anak, magtitinda lang si Nanay ha, kapag wala ng bibili, pwede na tayong maglaro"

"Opo Inay", tumalikod na ito at dumiretso sa playpen para maglaro.

Kapag walang mga namimili ay nakikipaglaro si Marinette sa anak. Nang makatulog ito ay nag-ayos naman ng mga basyo ng mga softdrinks at mga alak sa labas para mainventory kung ilang case na naman ang kailangang iorder.

Mula sa sasakyang nakaparada sa gilid ng daan ay tanaw ni Jervis ang dalaga na abala sa pag-aayos ng mga case ng softdrinks at pagpatung- patong sa mga ito. Kanina pa kasi niya ito tinatawagan pero hindi ito sumasagot kaya minabuti na niya itong puntahan.

Isang batang babae ang dumaan. Binigyan niya ito ng pera at binilin na tawagin si Marinette.

"Ate Marinette, may naghahanap po sa iyo", at itinuro ang sasakyan.

Agad naman itong nakilala ni Marinette. Naglakad ito patungo sa kinaroroonan ni Jervis.

"I'm calling you many times".

"Sorry po sir, naiwan ko sa bahay ang cellphone. Hindi na po ako pumasok dahil masama po ang pakiramdam ko. Nagpapapawis para hindi matuluyan".

Iniabot ni Jervis ang panyo rito.

"Salamat", kinuha at pinahid ang noo at leeg na namamasa na sa pawis.

"Baka mas lalo kang magkasakit sa ginagawa mo".

Tumingin ito sa loob ng sasakyan.

"Sinong hinahanap mo?".

Umiling ito.

"Buksan mo sa likod. I brought something for you".

Nagtungo sa likod ng sasakyan at nakita ang tatlong paper bags. "Ano ang mga ito?".

"Dagdag sa mga gagamitin mo".

Kinuha ang mga ito at muling bumalik sa harap ng binata. "Bakit ang mga ito?".

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon