Tulad ng dati ay maagang pumasok si Marinette. Nagtaka ito ng makitang iba ang nakaduty na gwardiya sa bungad ng kompanya.
"Good morning Ma'am!", bati nito.
"Manong Guard, si Bartolome?", hindi nito napigilang itanong.
"Ma'am naka-three days leave po si SG Rivera. Uuwi daw po ng probinsiya".
Napatangu-tango ito. Naglakad na patungo sa elevator.
Bago pa sumara ang elevator ay pumasok ang dalawang babae na tila malungkot.
"Sayang naman, hindi ko makikita si Prince Charming".
"Oo nga eh, umuwi daw ng probinsiya. Baka hindi na siya bumalik. Huwag naman sana", tugon naman ng isa pa.
"Mabuti nga at wala ang antipatikong gwardiya na iyon", bulong ng isipan nito. Naiirita tuloy siya habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin siya sa kanyang opisina. Mabilis na pumasok sa opisina ng boss at inilawan ang paligid tsaka isimaksak ang coffee maker at water dispenser.
Makalipas ang isang oras ay dumating na si Don Genaro. "Let's talk Marinette", anito bago pumasok sa opisina.
Sumunod ang dalaga sa boss.
"Sit down. Gusto ko lang malaman kung handa ka na ba sa magiging set up natin? Lumalala na ang sakit ko Hija. Kailangan ko ng tulong mo".
Tumango ang dalaga. "Nakapagdesisyon na po ako Sir at pumapayag na po ako".
"Maraming salamat Marinette, from now on, you have to call me Genaro para masanay ka".
Tumango ito.
Inilabas ng Don ang Check Pad. "Magkano ang gusto mong partial payment? Pwede kong ibigay ang total ng annual salary mo".
"Sir, este Genero, masyadong malaki ang nasa kontrata. Ayos na ako sa minimum wage dahil libre naman lahat. Wala akong gagastusin habang nasa bahay mo ako".
"Marinette, you have to understand na ikaw ang maaapektuhan sa set up natin. People might think that you seduce me, that you are a gold digger".
"Naiintindihan ko po iyon. Sinabi ko naman po sa inyo Sir, aalagaan ko po kayo. Napakabait po ninyong tao kaya naniniwala akong malalampasan ninyo ang pagsubok na ito. Kailan po ako magsisimula?".
"Kung pwede ngayon na Marinette, my son Jervis is on a three-days vacation. Wala akong makakasama sa bahay".
"Magpaaalam po ako na maghalfday, mag-eempake ako ng gamit".
Tumango ito. "Pasasamahan na lang kita sa driver ko para maihatid ka na din sa mansion pagkatapos mong mag-empake".
"Salamat Sir".
"Marinette, it's Genaro".
"Genaro", ulit nito.
†*****†*****†*****†*****†*****†
Napakalaki ng mansion. Matapos kasi siyang mag-empake ay inihatid siya ni Manong Kanor sa mansion.
"Ma'am ipapasok ko na po ang mga gamit ninyo sa silid ni Don Genaro", anang kawaksi.
"S..sige po Manang. Dito lang po muna ako sa labas, hihintayin ko si Genaro", inilibot ang paningin sa malawak na hardin. Napangiti ito sa mga bulaklak sa hardin. Marahan itong naglakad- lakad.
Hanggang sa marinig niya ang galit na tahol ng aso. Napalingon ito at nagulat ng makita ang napakalaking aso sa likod niya. Nakabuka ang bunganga at kitang-kita ang malalaking ngipin na tila ba lalapain siya. Sa takot ay napatakbo ito sa side ng mansion at hindi sinasadyang may mabangga na dahilan upang tumilapon ito sa lupa. "A...array!".
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...