CHAPTER 18

2 0 0
                                    

Unti- unting bumaba ang mukha ni Jervis sa mukha ng dalaga at dinampian ng halik ang labi nito.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng binata ng lumayo ito. "Now I know, you are attracted to me!", tumalikod at binuksan ang ref para kumuha ng malamig na maiinom.

"Aminin mo na Ms. Veneracion, hindi ka inlove kay Dad at lalong hindi mo siya mahal".

"Napakawalanghiya mo Jervis", at lumapit dito para sampalin pero mabilis ang mga kamay nito na humawak ng mahigpit sa braso niya.

"Hindi mo ako mapapaniwala sa palabas mo, stop this game! I know you, I know your kind. You just only need money", marahas na binitiwan ang braso nito.

Nagising si Jervis sa panaginip na iyon. Hinilut-hilot nito ang ulo. Mabuti na lamang at hindi na naman ito gaanong sumasakit. Pasado alas singko na ng umaga. Nagpasya itong maupo sa wheelchair at lumabas ng balcony.

"Andrei anak, dahan- dahan ka lang ha. Sige na, maglaro ka na muna diyan at dadalhan kita ng makakain. Ipapainit nalang ni nanay yung natirang kanin at mga ulam kagabi".

"Inay, gusto ko po ng hotdog at tsaka itlog".

"Sige anak, titingin ako kung mayroon pa. Iiwan na kita".

Sumasabay sa paggising ni Marinette ang anak tuwing umaga. Mas mainam naman iyon para mapakain pa niya ito bago na naman magsimula ang trabaho tuwing araw.

Napatuon ang tingin ni Jervis sa bata. Nakapa nito ang dibdib. "Andrei!", bulong nito.

"Buknoy halika ka na, maglaro na tayo", ani Andrei sa alagang aso ng ama.

Tila naman may isip ang aso na kumaripas ng takbo at dinamba ang bata kasabay ng hagikgik ni Andrei nang mapahiga sa damuhan.

"Madaya ka Buknoy ha, wala pa akong sinabing go", tumayo ito at ito naman ang nagpatihulog sa aso.

Umungol ang aso na tila nasisiyahan.

Ipinatong ng bata ang ulo sa likod ng aso. "Nalulungkot ako dahil minsan nalang tayo nakakapaglaro Buknoy. Hayaan mo, kapag bumalik na ang mga ala- ala ni Daddy babalik na tayo ulit sa dati".

Napakunut- noo si Jervis sa narinig.

"Oo, babalik na tayo ulit sa dati. Hindi na rin mahihirapan si Nanay, naaawa na ako kay Nanay at sa kapatid ko kasi nahihirapan na sila. Alam mo ba iyak ng iyak si Nanay gabi- gabi pero kapag tinatanong ko naman ayos lang daw siya", marahang hinaplos ang balahibo ng aso. "Puntahan mo ako sa silid namin ni Nanay, duon na lang tayo maglalaro dahil alam mo naman kagagalitan nila ako kapag nakita akong nagliliwaliw sa paligid".

"Anak, tumayo ka na diyan. Halika na at kumain", sumalampak din ito sa damuhan. "Buknoy, heto para sa iyo", ibinigay ang isang buong hotdog at hinaplos ang ulo ng aso.

"Salamat po Inay".

Hanggang sa matapos ang mga itong kumain ay nanatili sa balcon si Jervis.

†*****†*****†*****†*****†

"Stupid!", bulyaw ni Mariz ng hindi sinasadyang maibuhos ni Marinette ang tubig sa basong hawak nito. Bigla kasing sumakit ang tiyan niya. Napahaplos ito umbok ng tiyan at napangiwi sa sakit.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon