CHAPTER 21

4 0 0
                                    

Nagulat si Donya Maureen at Anthony nang bumukas ang pinto at pumasok mula duon ang mga pulis habang nakasunod si Jervis.

"How dare you enter my company!", galit na wika ni Donya Maureen.

"I am here to get what is mine Mrs. De Vera", seryosong wika ni Jervis na hindi na rin nito tinawag na tiya ang donya. "I have filed charges against you and the rest of your siblings. This company and the rests of my assets are under my wife and son's name. To be honest, I have given you fake documents". Napangiti. "I have given the police all the footages at the mansion, it contains everything. How you treated my family. And I already know everything, lahat ng plano ninyo para patayin ako. May accident is not an accident, but it was all your plan".

Napamaang ang mag-ina sa mga narinig.

"J..ervis", ani Donya Maureen.

"Ma'am, sumama na lamang po kayo ng maayos. Sa presinto na po kayo magpaliwanag", anang police officer.

"No!!! This can't be!", naghihisteryang wika ni Donya Maureen.

"You can't do this Jervis", mariing wika ni Anthony.

"See you in court!". Matapang na wika nito.

Maging ang mga kapatid ng ama na sina Don Augusto at Armando ay kinasuhan din niya. Ang lahat ng mga ito ang nagplano para patayin siya.

Nakaupo sa kama si Prisha at pinapalitan ang diaper ni Allhiya ng magring ang cellphone nito.

"Ate Marienne napatawag ka?".

"M..arinette, tulungan mo kami. M..ay dumu-".

"Kung gusto mo pang makita ang pamilya mo, sumunod ka sa mga ipag-uutos ko", anang lalaki sa kabilang linya.

"S..susunod ako. Huwag mo silang sasaktan".

Ilang minuto pa silang nag-usap bago tuluyang naputol ang linya. Hindi alam ni Marinette ang gagawin. Sobrang hirap para sa kanya ang mga ipinagagawa nito.

Mabilis na pinalitan ang diaper ng anak at nagmamadaling nag-ayos ng mga gamit nila. Kailangan nilang iwan si Jervis para sa kaligtasan nito. Kinakailangan nitong mag-isip ng paraan para makaalis sa lugar ng hindi namamalayan ng mga security na nakabantay sa kanila.

"Sir, pumasok na muna kayo para makapagmiryenda".

"Dito nalang po kami ma'am", tugon ng pulis.

Pero pinilit niya ang mga ito at sa wakas at nakumbinsi niyang pumasok ang mga ito sa kusina. Naghanda ito ng mga pagkain upang mas matagalan ang mga ito sa loob.

"Naku Ma'am, sobrang dami naman po ng inihanda ninyo".

"Walang anuman sir, pasasalamat sa ginagawa ninyong pagbabantay sa amin. O siya, maiwan ko na po kayo mga sir at titingnan ko lang ang mga bata". Nagmamadali itong lumabas. Mabilis na kinuha ang mga gamit at ang mga bata tsaka lumabas ng bahay. Mabuti na lamang at nahanap niya ang susi ng isa pang sasakyan na nasa garahe kaya nakalayo agad sila.

"What???", gulat na tanong ni Jervis. Napatayo ito sa swivel chair at nagmamadaling lumabas ng opisina. Mabilis na tinawagab ang asawa pero cannot be reach ito.

"Sir, may bisita po kayo?".

Mula sa pinto ay pumasok si Ivy. "Jervis  let's talk".

"Wala akong oras Ivy, I have to find my family".

"Iyon ang ipinunta ko Jervis. Tito Armando have Marinette's family at nasisiguro ko, on the way na duon sina Marinette at ang mga bata".

Natigilan ito. "How did you know about this Ivy?", galit na lumapit dito at hinawakan ng mahigpit sa braso.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon