Napahilot ng noo si Jervis ng makita ang snapshot ng credit account ni Ivy. Sobrang laki na. Wala itong limit dahil gold member ito. Mabilis na tinawagan ang kaibigan.
Ilang sandali lamang ay tumawag si Ivy. Galit na galit ito dahil na-freeze ang credit card nito.
"You have to understand the rule of the bank Ivy. You have to bear it. Sobrang laki nang halaga ng credit mo".
"Can't you pay it for me?".
"I can't! Alam mo namang 50% ang shares nina Tita Maureen sa kompanya, hindi ganuon kadaling magdisburse ng pera. You have to stop wasting money and limit your luxury", ibinaba na ang aparato.
Hindi niya macontrol si Ivy sa paggastos. Palibhasa kasi ay anak mayaman kaya ganuon na lamang ito kung gumasto.
"Hijo, tumawag si Ivy. What did you do?", ani Donya Maureen na papasok sa pinto.
"Kailangan din niyang magtipid Tita. She's ten times exceeded the credit limit. Kaya tinawagan ko na ang bangko to freeze her account".
Natawa ang ginang. "She's your wife. You don't have to let her suffer this way".
"Hayaan niyo na po ako Tita. Somehow, she still needs to learn being a mother".
Natahimik ang ginang.
"Minsan nga napapa-isip na lang ako. Anak ba talaga namin ang mga bata? I can't see her caring for them. Not even once". Pagkukunwari nito.
Natigilan ang ginang. "Oh! Nasanay lang siguro ang asawa mo na -".
"Huwag niyo na po siyang kunsintihin Tita Maureen, may pamilya na siya. She must know how to act as a mother to our kids. By the way, do you need anything Tita?".
"I just came here Hijo to tell you to vacate this office right away. Dahil si Anthony na ang magiging Chairman ng Ledesma Firm starting tomorrow".
Natigilan si Jervis. "W..hat do you mean Tita?", kunwari'y nagulat ito.
Napangiti si Donya Maureen. "Here!", ibinaba sa mesa ang brown envelope. "Sige Jervis". Lumabas na ito.
Mabilis na binuksan ni Jervis ang envelope. Napailing ito sa laman nito. Lahat mga palsipikadong mga dokumento. Even the share of stocks na nabili nila kuno sa mga share holders.
Tumunog ang line 3.
"Siguro naman alam mo na ang balita Jervis? I am too eager to stay in that office by tomorrow. Magbalut- balot ka na. Lumayas ka na din sa Ledesma Mansion dahil pag-aari na ito ng pamilya ko".
Napangiti si Jervis sa narinig. Ang buong akala nila ay nakuha na nila ang Eighty Percent ng Shares. "K..uya, huwag niyong gawin ito sa akin".
"Matagal na akong nagtitiis at nakikipagplastikan sa iyo Jervis. Akala mo siguro napapasunod mo ako, a big no. I am not stupid at all. Kaya tanggalin mo na ang mga gamit mo diyan at umalis ka na".
"Mag-usap tayo kuya". Kasunod nito ay dial tone. Mabilis na tinawagan sa private phone ang kanyang attorney. Kailangan na nilang ihanda ang lahat.
"Jervis", halos humahangos na wika ni Ivy. "I heard the news".
"Yes Ivy! They have owned the major shares of the Ledesma Firm. So I have to vacate the position".
"Saan ka na tayo pupulutin ngayon Jervis?".
"I don't even know Ivy".
"This is bullshit! Ayokong mamatay sa gutom kasama ka at ng mga anak mo. I'm leaving you".
"Paano ang mga anak natin Ivy?".
"Hindi ko sila mga anak, for your information. I hate them that much dahil mga dugo ng babaeng kinasusuklaman ko ang nananalaytay sa katawan nila. I hate them!". Mabilis na umalis.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...