CHAPTER 7

4 0 0
                                    

"Damn!", mura ni Jervis.

Napapitlag sa kinatatayuan si Marinette nang marinig ang malakas na pagtama ng kamay nito sa mesa.

Nagkaroon kasi ng problema sa isa sa naipatayong building ng kompanya kaya marami itong naging penalty at liquidated damages.

Wala itong imik na ibinaba sa mesa ang kape. Ayaw niyang magsalita dahil baka siya pa ang pagbuntunan nito ng galit.

"Where is the report that I was asking you?".

"Inilagay ko na po dito sa table ninyo kaninang umaga sir".

"Where?".

Mabilis na kinalkal ang mga documents sa mesa nito pero wala. "Nasaan na iyon?".

"I need it. Limang minuto na lang bago ang conference", galit na wika nito.

"Nasaan na ba iyon? Sir, magpriprint nalang po ulit ako", mabilis na lumabas.

Mabuti na lamang at mabilis ang printer kaya ng lumabas ang boss ay naiabot na niya ito agad. Kinuha ang ballpen at deskpad tsaka sumunod dito.

Ramdam ni Marinette ang tensiyon sa loob ng conference room. Hindi naiwasan ng binata na sumigaw dahil sa galit. Manaka-naka ay tumatayo ito para lumapit sa binata upang paalalahanan na kumalma ito na nakasulat sa sticky note. Idinidikit nito iyon sa iniaabot na kape, kaya ay sa bottle ng tubig o sa dokumentong kailangan nito.

Lihim na natitigilan ang binata kapag binabasa ang mga nasa sticky notes. Napapatingin ito sa gawi ng sekretarya na abala sa pagtake ng minutes.

"Imagine, sobrang lugi na natin sa project na ito. Engr. Abenoja, I am assigning you to take over the supervision".

"Yes sir", mabilis na tugon nito.

"Proceed immediately at the project site after this meeting. Adjourned!", pormal na wika nito at tumayo na.

Napailing na lamang ng mga empleyado at mga Director na naroroon. Magagalitin ang binata. Sobra nitong pinaiiral ang init ng ulo.

"Ms. Veneracion!", wika nito.

Nagmamadali namang tumayo ito at kinuha ang mga gamit at ilang dokumento sa mesa ng boss at sumunod dito.

"Cancel my meeting this afternoon".

"Y..es sir", tugon nito na nakatayo sa likod ng binata habang nasa loob sila ng elevator pabalik sa opisina nito.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone nito.

"Ivy, you're not going home on our anniversary? Sana naman makapag-adjust ka ng schedule mo. Kahit tatlong araw lang. I want to be with you Love".

Si Rhianne Ivy Silverio. Isang international model. Sobrang sexy at napakaganda. At tatlong taon ng girlfriend ni Jervis.

"Don't surprise me, I hate surprises", anang binata. "You know me Ivy, okey, call me then. I love you". Ibinalik sa bulsa ang aparato.

Nanatili namang tahimik si Marinette sa likod nito.

"I told you to cancel the meeting this afternoon".

"Y..es sir, I heard you loud and clear".

Napalingon ang binata sa tinuran nito.

Tila hindi naman apektado si Marinette. Ni hindi niya tinapunan ng tingin ang boss at ramdam niya ang matiim na tingin nito.

"Ms. Veneracion!".

Tsaka pa lamang ito tumingala. "Yes sir?".

"Bakit hindi mo pa tawagan si Mr. Cruz?".

"Sir, hindi po ba pwedeng makarating muna po tayo sa opisina para naman po maibaba ko ang mga hawak ko". Inginuso ang mga hawak-hawak.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon