CHAPTER 14

3 0 0
                                    

"Hijo, are you out of your mind?", tanong ni Donya Maureen. Kaisa- isang kapatid na babae ni Don Genaro. Pangalawa ito sa apat na magkakapatid. "Get the child and leave her!".

Natigilan si Jervis.

"Mag-isip ka, anong klaseng babae ba ang ina ng anak mo? Sa tingin mo ba makakabuti sa image ng Firm ang pangalan niya? Look, consider being with Ivy again. Mas makakatulong siya sa business na iniwan ng kapatid ko. Makinig ka sa akin, I know what is best for you".

"Ang kunin ang bata ang una kong plano Tiya".

Mula sa pintuan ay dinig na dinig ni Marinette ng sinabi nito. Napaatras ito at mabilis na bumalik sa silid. Hindi na niya narinig pa ang mga sinabi nito.

"Then do it! Bakit naririto pa ang babaeng iyan?".

"You don't understand me Tita, I love her already, nuon pa at sa araw- araw ay mas lalo ko siyang minamahal. Ayoko siyang saktan. Gusto kong buo ang pamilya ko. I will marry her".

"Nahihibang ka na Jervis! I don't like her".

"Sana po maintindihan niyo ako Tita", tumayo ito. "Ayoko po kayong bastusin, pero mas makabubuti na umalis na kayo. I have heard enough, ayokong marinig kayo ng anak ko at ni Marinette".

"Love? Are you crazy? Kailan ka pa nagmahal?".

"Enough Tita!", galit na ito. "Just leave", mabilis na naglakad palabas ng library. Dire- diretso itong pumasok sa kanilang silid.

Nagkunwaring natutulog si Marinette ng marinig ang pagbukas ng pinto.

Hindi mapigilan ni Jervis na lapitan ang mag-ina niya at gawaran ng halik ang mga ito. Kasunod iyon ng mahabang buntung hininga.

Maya- maya'y tumunog ang cellular phone nito. "Ivy". Lumabas ng silid.

Hindi mapigilan ni Marinette ang maawa sa sarili. Plinano talaga ni Jervis ang lahat. Paano pa niya makukuha si Andrei kung gayong nasa pangalan na ito ng Ledesma? Isa pa, maimpluwensiya ang pamilya nito kaya kung dadaan sa korte ay mas papanigan ang lalaki dahil sa financially stable ito.

"Nakikiusap ako Jervis. Bawiin mo ang kaso namin ng sister ko".

"I believe I already can't Ivy. May kopya na ang DSWD ng footage, you'll be charge of VAWC".

"I'll promise, lalayuan na kita. Hindi ako pwedeng magkaroon ng kaso, I will be leaving the country next week at ayokong masira ang schedule ko just because of this".

"I can't do anything about it. Talk to my lawyer, he will explain everything", at pinindot na ang off button. Muli na namang nagring ang cellphone pero hindi na ito sinagot pa ni Jervis.

            †*****†*****†*****†*****†

"Dr. Russel Montano?", ani Marinette nang mababaan sa sala ang doctor.

"How do you feel?".

"Mabuti- buti na po Doctor. Maraming  salamat. Coffee doc?".

Umiling ito. "Katatapos lang din sa bahay. By the way, naririto ako para kausapin si Mr. Ledesma".

"Wala na siya sa itaas Doc, mukhang maagang nagising".

Maya- maya'y pumasok mula sa main door si Jervis. Galing ito sa jogging. Awtomatikong napakunut- noo ng makita ang bisita.

"Good morning Mr. Ledesma", nakangiting bati ni Russel.

"What brought you here?", pormal na tanong nito. Naalala niya nung araw na makita nitong kasama si Marinette.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon