Unang beses na makakasabay ni Marinette sa pagkain si Jervis. Maaga itong nagising para tumulong sa pagprepare ng breakfast. Kahit anong pilit ng mga kawaksi lalo na si Manang Lomen na tanggihan ang alok nitong pagtulong ay walang paring nagawa ang mga ito.
"Marunong po akong magluto Manang, huwag po kayong mag-aalala". Sinimulang lutuhin ang bacon, spam, sunny-side up egg at nagtimpla din ito ng masarap na chicken soup.
"Manang, mukhang masarap ang mga inihanda mo ngayon", puna ni Jervis.
"Seniorito si Ma'am Marinette po ang naghanda", ani Luciana.
Natigilan si Jervis at napatingin sa gawi ng dalaga na nagsasandok ng kanin para sa ama.
"Love, try the soup. Maganda iyan sa sikmura mo". Sumandok ito at ibinigay kay Don Genaro.
"Yeah! The soup tastes good Love, maraming salamat sa paghahanda ng masarap na pagkain".
"You're welcome!".
Nagsimula ng kumain ang mga ito. Walang imik si Jervis habang kumakain. Hindi naman akalin ng binata na masarap palang magluto ang dalaga.
"Hijo, pwede bang makisabay nalang si Marinette sa pagpasok? Just bring the old car para kumportable naman ang biyahe niya". Hindi kasi sila pwedeng makitang magkasama. Atleast, kung si Jervis ang kasama ay hindi ito pag-uusapan ng mga empleyado.
"Sasakay nalang ako ng jeep Gena-".
"Yes Dad, sure". Naisip nitong magkakaroon din siya ng pagkakataong maseduce ang dalaga upang makita kung totoo o hindi ang nararamdaman nito sa ama.
Hindi na nagawang humindi ni Marinette dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang mga iniisip ng Don.
Napatingin sa suot na wrist watch si Jervis at napatayo. "Baka malate ako Dad, I have to take a bath". Matapos uminom ng tubig ay tumayo na ito at naglakad palabas ng kusina. Ayaw kasi nito ang nalalate kaya nakagawian na nitong pumasok Thirty or Forty-Five Minutes before his time of duty.
Binilisan naman ni Marinette ang pagsubo.
"Marinette, you have to fix yourself too in fifteen minutes para makasabay ka kay Jervis", bulong ng Don upang hindi marinig ng katulong na nasa kabilang banda.
Tumango ito at humalik sa pisngi ng Don. "Oo, mauuna na akong maligo. Ilalagay ko nalang sa kama yung mga gagamitin mo Love", sadyang nilambingan ang pagkakasabi nito tsaka naglakad palabas. Nagmamadali ang mga kilos nito.
Prente naman dahil nakapagbihis na ito at naghihintay na sa hardin ng bumaba ang binata suot ang Security Uniform nito. Napatitig si Marinette sa baril na hawak-hawak nito. Calibre 45 na nakalagay sa leather case nito. Tila tuloy ayaw na niyang sumabay sa binata dahil natatakot siyang baka sa galit nito ay mabaril siya nito.
"Hey! Sasabay ka ba?", untag ni Jervis nang makitang nakatayo lang duon ang dalaga.
Wala itong imik na sumunod sa garahe.
"Stay infront, ayokong magmukhang driver mo Ms. Veneracion", anito nang binuksan ang pinto sa drivers seat at pumasok.
Napabuntung hininga naman si Marinette. Hinila nito ang knob ng pinto pero ayaw bumukas. Tatlong beses niya itong sinubukan pero ayaw talaga. Iyon pala ay naka lock sa loob.
"Next time, wait for my signal. May balak ka pa yatang sirain ang kotse ko".
Walang imik ang dalaga. Malay ba niyang nakalock ang pinto ng kotse nito na isang "box-type" mitsubishi lancer na tingin niya ay ito na lamang ng gumagamit sa ngayon. Naisip naman niya na tama lang naman ito para sa pagdi- disguise niya bilang Security Guard.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...