CHAPTER 6

4 0 0
                                    

SIX YEARS LATER!

"Damn it!", bulyaw ni Jervis nang banggain ng sumusunod na van ang pwetan ng kanyang bagong kotse. Bigla kasing may sumulpot na kotse sa harapan niya kaya kinailangan niya ring magpreno. Galit na hinila ang hand break at lumabas para komprontahin ang driver ng nasa likurang sasakyan.

Mula sa loob nito ay naghihisteryang binuhat ni Marinette ang anak na duguan at inihiga sa upuan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan. Hindi nito napansin ang lalaking palapit. Ang nasa isip nito ay maidala agad sa ospital ang anak bago pa man ito maubusan ng dugo.

Nakatayo sa passengers seat ang anak, nailagay man nito ang seatbelt pero hindi naman naitali sa buong katawan ng bata kaya dahil sa lakas ng pagbangga ay tumilapon ito at bumagok ang likurang bahagi ng ulo nito at nahulog sa baba at nawalan ng malay.

"Shit!", lalong nagalit si Jervis ng umandar ang sasakyan papalayo. Tinandaan nito ang plate number, maging ang nakatatag na company name dahil isa pala itong delivery van at dumiretso sa police station.

Samantala ay nakahinga naman ng maluwag si Marinette nang sabihin ng attending physician na nasa maayos ng kalagayan ang kanyang anak.

"Andrei, sorry anak. Hindi sinasadya ni Nanay", anito habang hinahaplos ang buhok ng anak.

Maya-maya'y nagkamalay na ang bata.  "Nay!".

"Nak, kumusta ang pakiramdam mo? Masakit ang ulo mo?".

Tumango ito. "Opo".

"Sorry anak, hindi sinasadya ni Nanay".

"Uwe na Andrei Nay"  anito.

"Oo anak, uuwi na tayo bukas na bukas din. Kailangan mo munang matulog dito para masiguradong maayos ang lagay mo. Okey?".

Tumango ulit ito.

Tumunog ang keypad phone na nasa bulsa ni Marinette. "Anak, pahinga ka muna ha. Sasagutin lang ni Nanay ang tawag ha". Lumayo ito sa anak at pumuwesto sa pintuan.

"Ano na naman bang kapalpakan ang ginawa mo Marinette? Alam mo bang may dumating na tao dito, hinahanap ang driver ng isa nating delivery van na minamaneho mo. Binangga mo ang bagong sasakyan at umalis ng hindi man lamang nakikipag-usap sa may-ari nito.

"Tiya nasa ospital po kami ni Andrei ngayon dahil nabagok ang ulo niya sa headboard at nawalan ng malay. Aasikasuhin ko po paglabas namin ng ospital Tiya. Isa pa, hindi ko naman po kasalanan Tiya dahil bigla siyang nagpreno sa harapan ko kaya nabangga ko siya".

"Kumusta na si Andrei?".

"Mabuti-buti na Tiya. Tiya hihiramin ko po muna ang napagbentahan ko sa ngayon".

"Ay ano pa nga ba Marinette, gastusin mo na muna ang mga iyan. Tsaka mo na bayaran. Sana maareglo mo ito dahil mukhang mayaman ang nabangga mo at walang planong magpa-areglo".

"Opo Tiya, sana po maayos ito. May ibinigay po ba siyang numero na pwedeng tawagan?".

"Meron Hija, narito lahat sa envelope".

"Salamat Tiya, aasikasuhin ko paglabas namin ni Andrei Tiya".

"O siya sige na Marinette. Mag-iingat kayo diyan".

"Opo Tiya", at nagpaalam na ito. Napabuntung hininga si Marinette at muling bumalik sa anak.

Sa tingin ni Marinette ay puro kamalasan na lamang ang dumarating sa buhay nila ng anak. Kailan lang nang kinaharap na naman nito ang nagdemanda sa kanya dahil hindi siya nakakapagbayad ng utang kaya nasaid na naman ang ipon niya. At heto na naman. Nag-aalala siya dahil sa sinabi ng tiyahin na tila ayaw nitong magpa-areglo. Pero alam naman niyang wala siyang kasalanan sa nangyari bagkus ay ito pa ang may kasalanan sa kanya.

Everything For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon