Maagang pumarada sa harap ng mga Ledesma si Marinette. Gamit parin nito ang delivery van ng tiyahin. Nagbabakasakali itong makitang muli si Andrei lalo na ang kaniyang bunso. Nang makitang bumukas ang gate ay kunwaring nagyuko ito. Sasakyan kasi ni Donya Maureen ang lumabas.
Mula sa gate ay kitang - kita niya si Jervis na buhat ang batang babae. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at tumawid. Muntik pa itong masagasahan pero hindi niya ito alintana.
"Umalis ka na", ani Jervis.
"Gusto ko lang siyang hawakan. Pakiusap. Napakaganda niya". Naluluhang napatitig sa walang muwang na batang babae.
"Nahihibang ka na. This is I and Ivy's daughter".
"H..hindi, anak ko ang batang iyan Jervis".
"Ano bang sinasabi mo? Umalis ka na", pumasok sa gate at isinara ito.
"Jervis, what's going on?", lumapit si Ivy. Nagulat ito ng makita si Marinette. "What the hell are you doing here?".
"Gusto ko lang makita ang mga anak ko Ivy", nagmamakaawang wika nito.
"Mga anak? How dare you say that? Wala kang anak dito Marinette, umalis ka na. Matapos mong lokohin si Jervis babalik ka?".
Naguguluhan na ito. "Ano bang sinasabi mo? H..hindi-".
"Enough! Umalis ka na", sabay talikod ni Jervis.
Napasunod naman si Ivy dito.
"Anak!", anito. Pero hindi siya susuko. Kailangan niyang mabawi ang mga anak. Gagawin niya ang lahat.
Nakapagplano na si Marinette sa kanyang gagawin sa buong maghapon. At kahit hindi pumayag ang tiyahin ay wala din naman itong nagawa.
"Jervis", humarang si Marinette sa daraanan ng sasakyan ng lalaki. Matiyaga itong naghintay sa parking lot ng kompanya.
"Umalis ka sa daraanan ko. Alis na", at ilang beses itong bumusina.
Pero matigas ang ulo ni Marinette. Nanatili itong nakatayo sa harap nito at iniunat ang dalawang mga braso.
Bumaba si Jervis sa sasakyan at hinila ito patungo sa gilid. "Stop doing all this mess!".
"Jervis, pakiusap, nakikiusp ako, maawa ka naman sa akin. Gusto kong makita ang mga bata".
"No!", galit na wika nito at marahas na binitiwan ang braso ni Marinette tsaka naglakad pabalik sa sasakyan. Tsaka pinaharurot ito at iniwan sa parking space.
Malungkot na naglakad palayo sa kompanya si Marinette. Hanggang ngayon ay hindi parin siya kilala ng asawa.
Halos inaraw- araw na ni Marinette ng ginagawa nitong pagtungo sa Ledesma Mansion at pagsunod kay Jervis sa kompanya.
Napangisi si Maureen nang makita ang ginawang pagbulyaw ni Jervis at pagtulak sa babae. "Hanggang ngayon ay hindi parin naaalala ni Jervis ang asawa niya. At mukhang umaayon sa atin ang panahon. Konting panahon na lamang at mabibili na natin ang malaking porsyento sa stocks ng kompanya", anito.
Napangiti naman si Anthony. "Yes Mom".
"Hindi ako aalis dito", ani Marinette at nanatiling nakatayo sa harap ng kompanya. Tanging ang suot lamang nito na long sleeve at sumbrero ang naging pananggalang niya sa init ng araw.
Kahit nang bumuhos na ang ulan bago mag- alas singko ay hindi parin ito umaalis.
Napabuntung hininga si Jervis habang pinagmamasdana ng babaeng nakatayo sa harap ng kompany. "Napakatigas ng ulo!".
"Sir hindi parin umaalis yung babae", anang sekretarya.
"Hayaan mo na Miss Garcia. Aalis din iyan maya- maya".
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...