"Ibaba mo nalang ako sa harap ng gasoline station Mr. Ledesma. Sasakay na lamang ako sa jeep pagpasok".
"Why? Natatakot ka na muli kitang halikan at muli mo rin akong tugunin?".
Natahimik ang dalaga. Tuloy ay pinagsisisihan niya ang mga nangyari. Kung nagawa lang sana niyang pigilan ang sarili ay sana walang magiging dahilan ngayon ang lalaki para tudyuin siya.
"Aminin mo Ms. Veneracion, mas masarap akong humalik kaysa kay Dad".
Lalong itong nanahimik.
"Subukan natin sa bed, you'll like it too".
"Tama na Jervis. Nakikiusap ako, hindi ako gaya ng babaeng iniisip mo", hindi na nito napigilan ang pagluha. "Sana naman, irespeto mo ako bilang babae. Hindi mo ako kilala, kaya please lang tama na", tuluyan na itong umiyak.
Marahang inihinto ni Jervis ang sasakyan sa gilid ng daan. Iniabot nito ang panyo.
"H..huwag na, may panyo ako. D..ito na ako bababa", mabilis na binuksan ang pinto at lumabas. Sa daan na nito inayos ang sarili. Ang gusto lang niya ay makalayo sa lalaki.
Napabuntung hininga si Jervis habang pinagmamasdan ang dalagang papalayo. Nang makasakay ito ng jeep ay tsaka lamang nito pinaandar ang kotse.
Hindi nakapasok si Don Genaro dahil masama parin ang pakiramdam nito. Mabuti na lamang at nakausap ni Marinette ang doctor nito kaya dadalhin niya ito sa clinic pagkatapos ng tanghalian para sa check-up.
12:15 ng tanghali ng mag-ayos si Marinette ng mga gamit. Kailangan na niyang makauwi para sa appointment ni Don Genaro.
"Marinette", tinig ni Jervis sa labas ng elevator.
Natigilan ang dalaga at napalingon dito. Ilang segundo siyang napatingin dito bago muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawang pagshut-down ng computer.
"Hey! I came here to say sorry", tumayo ito sa harap ng mesa niya.
Nang makitang nakaoff na ang monitor ay pinindot nito ang off button ng AVR at hinugot ang saksakan. Kinuha ang bag at tumayo na.
Marahang hinawakan ni Jervis ang braso ng dalaga at hinila ito payakap sa kanya. "I'm falling inlove with you
Marinette".Tila ba ito musika sa pandinig ng dalaga. Ilang sandali rin siyang nakasandal sa dibdib nito. At pilit n lumayo. "Tama na Jervis. Hayaan mo na kami ng Daddy mo. Marami ka pang makikilalang iba, yung magiging tapat sa iyo at mamahalin ka". Tsaka lumayo.
"Marinette, please, I know may nararamdaman ka rin para sa akin. Kakausapin ko si Daddy".
Nagulat si Marinette sa sinabi nito. "H..huwag!", biglang-turan nito. Ayaw niyang maapektuhan ang kalagayan ng Don. Ayaw din niyang lalo itong mag-aalala dahil isang tulad lamang niya ang mamahalin ng kanyang anak kung totoo man ang mga sinasabi ni Jervis.
"Tell me", hinaplos ang buhok nito. "May nararamdaman ka rin ba para sa akin?".
Napatitig ito sa binata.
"Please tell me you love me too!".
Marahang tumango ang dalaga. "P..aano ang Daddy mo? Ayokong malaman niya".
Umiling ito. "I won't tell him now, kukuha ako ng tiyempo". Mahigpit itong niyakap muli at dinampian ng halik sa labi nito.
Napakabilis ng mga pangyayari. Heto at yakap siya ng lalaking minamahal.
"J..ervis, lalabas kami ng Daddy mo".
Natigilan ito. "I'll drive you home", hawak ang kamay nito ay iginiya papasok sa elevator ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...