"Damn!", galit na ibinalibag ni Jervis ang folder sa mesa.
Napapitlag sa kinatatayuan si Marinette. Kababalik lang ng binata mula sa meeting.
"Come here!", ani Jervis.
Walang imik na lumapit si Marinette dito. Nagulat pa ito ng bigla siyang hatakin ni Jervis kaya napaupo siya sa kandungan nito. Kasunod niyon ay ang pagsiil nito ng halik sa kanyang mga labi. Matagal at nakakauhaw.
Natigil lamang ito dahil sa pagring ng telepono.
Mabilis na tumayo si Marinette pero muli itong hinila ni Jervis sa kanyang kandungan.
"Stay", anito bago sinagot ang telepono. "Andrea, how are you? See you tonight!".
Nanatiling tahimik si Marinette habang yakap nito. Napakagat labi ito ng marinig ang pangalan ng babae.
"She's a friend!", ani Jervis. Hindi nakaligtas dito ang ginawa ni Marinette.
"Wala naman akong sinabi!", tila patay malisyang wika ng dalaga. "Kailangan ko ng bumalik sa mesa ko".
Mahigpit na niyakap ang dalaga. "Mamaya na, give me ten more minutes". Nanatili ito sa ganuong pwesto.
Hinagod ang buhok nito. "Anong nangyari?".
"Hindi natuloy yung contract sa Davao, sister company pala ito ng Silverio. I guess, it was affected by Ivy and I's breakup".
"Hayaan mo na, marami pa namang projects na dumating. Mukhang maganda yung contract with the Isabelo's, build up a factory on a Twelve Hectares Property sa Quirino Province".
"Nabasa mo rin?".
Tumango ito. "Wala naman akong magawa dito, kesa magbilang ako ng mga dumaraang sasakyan sa ibaba".
Napangiti ang binata. "Let's go".
"Saan?".
"Kakain sa labas. Gutom ako".
Napakamot ang dalaga. "Baka naman magalit na ang mga tao dito sa kompanya sa ginagawa mo. Lagi ng undertime, buo naman ang benefits".
"I don't care. I'm the boss".
"Ayoko, ikaw na lang Jervis. May tinatapos pa akong iencode, revision nung dalawang project".
"Ako na ang gagawa, just be with me", hinawakan ang kamay nito at niyakag patungo sa silid. "Magbihis ka na, I'll be outside". Tsaka binuksan ang pinto.
Wala na namang nagawa ang dalaga. Matapos magbihis ay lumabas na ito. Nasa harap ng computer si Jervis at tinatapos ang encoding. "Ako na ang tatapos niyan, sasama na ako sa iyo".
"Yeah! Marami pala, nakadalawang page lang ako", anito at ini-off ang computer. "By the way, we'll attend Andrea's birthday party. So we'll drop by Andrei para maipakilala ko siya sa mga kaibigan ko".
Kinabahan si Marinette. Baka kasi matrauma na naman ang anak. "Jervis, what if -".
"He's my son, kaya kailangan siyang makilala ng mga tao. Hindi ko siya pwedeng itago lang Marinette". Napangiting wika nito. "And so you are!", ginagap ang palad nito.
Napatitig siya dito.
"You're not just my secretary, kaya masanay ka na".
Gustong kiligin ni Marinette sa mga sinabi nito. Napangiti siya. Sana ay hindi na ito tumigil pa sa ganuong pakikitungo ng binata sa kanya. Ayaw na kasi niyang makita pa ang galit sa mga mata nito.
"Your seatbelt", ani Jervis at pinaandar na ang sasakyan.
Dumaan sila sa mansion para kunin ang anak. Hindi na sumama ang yaya ni Andrei dahil si Marinette na mag-aalaga sa anak.
BINABASA MO ANG
Everything For you
RomanceUnang araw pa lamang ni Marinette sa trabaho ay hindi na naging maganda ang impression nito sa antipatikong security guard ng kompanya na si SG Bartolome Rivera. Sa sandaling panahon ay naging malapit ang loob niya sa Chairman ng kompnya na si Don...