Simula nung magchat siya sa'kin, alam ko na siya na ang future husband ko. Charot!
Starting that day, we became chatmates. Hindi mga sweet message ang nakalagay, kundi mga tanong about sa school. Kabilang section lang pala siya at parehas kami ng mga lesson.
He will ask me about our activities. Nagtataka lang ako bakit sa akin siya nagtatanong, bakit hindi sa mga kaklase niya?
Itong si crush para-paraan!
"Laki ng ngiti natin, ah." mas lalong lumaki ang ngiti ko nang tuksuin ako ni Aaron.
Naalala ko na naman si Crush. Ganito pala kapag inlove? Nakangiti na tuloy ako tuwing nagsasandok ng kanin. Ginaganahan na tuloy akong maghugas ng pinggan.
Too much love will make you diligent.
"Si James na naman iniisip mo, no'?"
"Hindi, ha!" I looked away when my face heated.
I heard him laugh. Nagulat ako ng hawakan niya ang tuktok ng ulo ko.
"Boto ako sa kanya. Basta ba huwag mo kakalimutan pag-aaral mo, ah! Diploma muna bago anak."
Sinapak ko siya pagkatapos kong marinig yung huli niyang sinabi. "Tangina nito!"
"Biro lang! I know that you will prioritize your study," sabi ni Aaron na ikanangiti ko.
They know me well. Naalala ko yung first meet namin. Sila pa yung mas nakakakuha ng award kaysa sa'kin pero ngayon, ako na yung mas lamang. But we are all smart, mas sumipag lang ako at sila tinamad.
"Naalala ko pa noon na puro tayo reklamo sa mga school works pero with honors tayong lahat."
Sabay kaming tumawa sa sinabi niya. Totoo naman, eh. Mahirap yung puro ka reklamo sa mga school works mo pero grade conscious kayo.
While sitting at the bench with Aaron and looking at the sky, I remembered the first day we've met and how our friendship start.
Nakilala namin si Disney noong hindi namin alam ni Calliope ang room namin. Kinalabit kami ni Disney noon no'ng narinig niya kami ng kaibigan ko na pinag-uusapan namin ang section namin. Hindi siya nagdalawang isip na kausapin kami dahil parehas daw kami ng section.
Sabay noon kami pumasok at magkatabing umupo pero binigyan kami ng sitting arrangement dahilan para mapahiwalay ako sa kanya. Doon ko nakatabi si Aaron.
Dahil sa kagustuhan kong magkaroon pa ng bagong kaibigan ay sinubukan ko siyang kausapin kahit nahihiya ako. Nakakatuwa nga rin dahil sabay kaming nagsalita noon kaya natawa kami. Habang si Felicity ay naging kaibigan ko nang dahil sa papel.
Yes, dahil sa papel. Wala akong one-fourth paper noon at siya na ang nagbigay. That's how our frienship start. Nagsimula kaming kumain ng sabay, mag-aral ng sabay, at pumunta sa ibang lugar.
Natiigl ako sa pag-aalala pabalik sa nakaraan no'ng mahagip ng mata ko si James na sumisilip sa room namin. Tanaw mula sa kinauupuan ko ang room namin. Kumunot ang noo ko, nagtataka kung sino ang sinisilip ni James sa classroom namin.
Bagsak ang balikat niyang tinigil ang pagsilip at naglakad-lakad nalang sa harapan ng room. Nasa likuran niya ang dalawa niyang kamay habang naglalakad siya. May kinuha siya sa bulsa niya pero hindi ko na makita kung ano iyon.
Sino ba kasi ang hinahanap niya?
Napatigil siya sa paglalakad nang may nakita siyang teacher na nahihirapang buhatin ang book na dala at halos mahulog na niya ito. Hindi siya nagdalawang isip na tulungan ako. I smiled. He is kind.
YOU ARE READING
FORGOTTEN MEMORIES
FantasyYaretzi Abigail, a princess of Asterin who doesn't have a power accidentally went to a human world after the death of her parents. She met James in human world. Abigail lived like a normal human. She fell inlove with James and he fell inlove with h...