CHAPTER 26

41 11 0
                                    

"Bakit ang lamig ng kamay mo? Are you nervous?"

Natigilan ako sa sinabi nI James. Magkahawak ang mga kamay namin. Hinaplos niya ang likod ng palad ko gamit ang hinlalaki niya. Pagkatapos gawin yun ay pinisil niya ng mahina ang kamay ko.

"H-hindi, ah!" tanggi ko pero ang totoo ay kinakabahan ako. I will meet his mother. Sinigurado ko na maayos ang suot ko ngayon, yung simple lang.

Napaigtad ako no'ng hawakan niya ang dibdib ko kung saan banda ang puso ko. He smirked when he felt how fast my heartbeat is.

"Bakit ka ba kinakabahan? My mother will not eat you, Abigail," natatawang sabi niya.

Inis na tinanggal ko ang kamay niyang nasa dibdib ko dahilan para bumagsak yun sa kaliwang hita ko. Tinutok ko sa akin ang aircon ng kotse niya. Sa sobrang kaba ko ay pinapawisan na ako. Nasa parking lot na kami ng ospital pero hindi pa rin kami bumababa dahil naramdaman niyang malamig ang kamay ko.

"Baby, just chill. Mabait naman si Mommy, eh." hindi ko siya pinansin at mas nagfocus lang ako sa pagpapalamig sa aircon. "Gusto mo ba kwentuhan kita tungkol sa kanya para hindi ka kabahan?"

Agad akong napatingin sa kanya no'ng sabihin niya iyon. Dumiretso ako ng upo at tumango-tango sa kanya.He smiled. "She's a teacher. She loves teaching. Ayaw niyang may nahuhuling estudyante. Kapag may napapansing siyang estudyante niyang may problema, pinapasaya niya yun. She's so kind." 

Napangiti ako no'ng makita ko siyang nakangiti habang kinukwentuhan niya ako tungkol sa mama niya. He really loves his mom.

"We have the same vibes. We have the same taste in food. Si mommy mukhang masungit pero siraulo yun, so don't be scared."

"Parang ikaw, mukha kang cold na tao, yung hindi mamansin pero siraulo rin pala. Hahaha!" I burst out laughing. Sinamaan niya ako ng tingin pero tumawa rin pagkatapos.

"She supports me in everything. Kaya nagkakaroon ako ng confidence kasi nandyan palagi siya. Pinagbibigyan niya ako sa mga gusto ko pero hindi ako sumusobra," sabi niya pagkatapos tumawa. 

I envy him. Gusto ko rin na ganoon sa'kin ang mga magulang ko. Pero hanggang hiling nalang ako dahil wala na sila, patay na sila. Oo, nandyan si Ate Madison pero iba pa rin sa pakiramdam kapag magulang mo na talaga ang sumusuporta sayo. Paniguradong masaya sa pakiramdam yun.

"Can I ask you a question?" napabalik ako sa reyalidad no'ng magsalita si James. 

"Ano yun?"

"You said your parents died. Paano sila namatay? But it's okay if you don't want to answer it. I'm just curious." bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hawak ang kamay ko at hinaplos yun gamit ang hinlalaki niya. 

"They died because of their enemies." nakatitig ako sa buhok niya habang sinasabi yun. Siya naman ay patuloy pa rin sa paghaplos ng kamay ko at unti-unting inangat ang paningin niya. 

"Sabagay ganyan naman talaga kapag isa kang reyna at hari 'no? Napanood ko yan sa mga palabas." I smiled at him before nodding my head. "How did you move-on?" 

Tinignan ko siya ng deretso sa mga mata niya. "Hindi ako nakamove-on at hindi ako magmomove-on." 

Naramdaman kong umiinit ang gilid ng aking mga mata. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko no'ng maramdaman kong may tutulong luha na. Napansin ni James iyon. Bago pa tumulo ang luha ko ay hinila na niya ako papalapit sa kanya para mayakap niya ako. 

"I'm sorry. I shouldn't ask that." binaon ko ang mukha ko sa leeg niya at doon umiyak ng tahimik. 

"Kahit ilang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin sila nakakalimutan. Masakit pa rin. Tipong mapapadaan lang sila isip ko, sumasakit na ang dibdib ko, naiiyak ako. Masakit pa yung sa mismong harapan mo sila pinatay." 

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now