CHAPTER 11

31 15 0
                                    

Binalot ng katahimikan ang lamesa namin. Tumikhim ako bago magsalita. Ako na ang unang magsasalita total nilibre naman niya ako.

 "Ahm...thank you, ah!"

Inangat niya ang paningin niya sa akin. She smiled. "For what?"

"For treating me."

Tumawa siya at pabirong pinalo ang braso ko. "I should be the one thanking you. And sorry if James keeps on handing me to you. Sorry for being a burden to you."

"Ano ka ba?! Okay lang 'no!"

Hindi naman siya pabigat. I'm just doing a favor from someone. Pwede naman akong tumanggi pero hindi ko ginawa. And it's my will to help lalo na gusto ko ang tao. Nakakokonsensya ako kapag tumatanggi ako pero kapag sinabi kong hindi, hindi talaga, hindi mo na ako mapipilit.

"Are you sure or napipilitan ka lang?" I frozed.

Napipilitan ba ako? Ang alam ko lang ay ginagawan ko lang ng favor si James. Lagi naman. Ganito naman ako sa iba, mas mabait nga lang ako kay James.

When you liked someone you'll do everything just to like you back. In my case, pinapakita ko lang kung gaano kabait. Na may mabuti akong puso. Para kapag nakita niya kung gaano ako kabait ay baka magustuhan niya rin ako.

I lost a chance back then when I thought he likes Angelica. Hindi naman sa nilalahat...Most of the boys are looking at the outside apperance. Kapag maganda automatic gusto kana ng lahat.

Kaya nawalan ako ng five percent lang na chance dahil wala naman akong laban sa mala dyosang kagandahan ni Angelica.

But I am the most happy girl on earth when I found out that they are just bestfriends. That Angelica doesn't like James. Pero we never knows, baka magbago ang tibok ng puso ni Angelica o ni James. Maraming magbestfriend ang nagkakatuluyan.

"Uy! Hindi, ah. Mabait naman ako kaya ganyan lang," sagot ko sa tanong ni Angelica.

"Don't be too kind."

I smiled. "Alam ko naman yun. Hindi ako papayag na pagsamantalahan ng iba ang kabaitan ko 'no!"

"That's good! May mga tao pa man ding walang utang na loob. Yung mabait yung tao sa kanila pero ginagawan pa rin nila ng masama. Ang masaklap lang, ang tagal na niyang niloloko pero hindi nakokonsensya!"

Indeed! May mga tao ngang ganyan. Paano kaya sila gumagawa ng masama pero hindi siya nakokonsensya?

After eating and drinking, we decided to go home. It's already evening. Baka mapagalitan pa ako ni Ate Madison. I am now imagining her red face, her thunder voice when she's angry.

Nang tuluyan na kaming makalabas ay hinarap namin ang isa't-isa. Angelica smiled at me. She keeps on smiling. I wonder if she has a problem. Most of the happy person has a lot of problems, right?

"Thank you for letting me treating you and sorry if I can't drop you off in your house"

"Oh? Ano ka ba! Okay lang yun. Magjejeep nalang ako."

"Be careful, okay? You know bad people comes out at night." hinawakan niya ang braso ko at ngumiti.

"Hmm. Ikaw din, ah. Chat mo nalang ako kapag nakauwi ka." inayos ko ang strap ng bag ko na nahulog mula sa balikat ko.

"I don't know your facebook name. Can you type it here?"

Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Tumango naman ako bago ko yun kinuha sa kamay niya. Sinumulan ko ng i-type ang name ko sa facebook.

Abigail Dela Cruz

Ang ganda talaga ng name ko pero mas gaganda yan kapag Hamilton pa rin ang gamit kong surname. Simula kasi ng mapunta kami sa mundong ito ay pinaiba ni Ate ang mga apelido namin. Ginawa niyang Dela Cruz ang akin total siya naman ang tumayong guardian ko.

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now