CHAPTER 17

39 16 0
                                    

"James, stop!" narinig ko ang halakhak niya sa tabi ko. Kahit masama na ang tingin ko sa kanya ay hindi pa rin siya tumitigil kakatawa.

Sa inis ay sinapak ko siya pero ang bwesit hindi pa rin tumigil kakatawa. Nagrereview kami para sa quiz namin bukas pero ang inatupag niya ang pagkagat sa braso ko. Pagkatapos ay hahalikan niya.

He loves bitting my arms, then he will kiss it after. Ganyan lagi ang ginagawa niya kapag magkasama kami. Masarap ba ako para maadik siya?

"James! I said stop. Kapag hindi ka tumigil, papatigilin kita sa pangliligaw mo." pananakot ko sa kanya.

He laughed once more. Tinaas niya ang dalawa niyang braso na para bang sumusuko siya. "Okay. OKay. Hindi na po."

I rolled my eyes. Buti naman tumigil na siya. Naiinis ako minsan sa ginagawa niya pero minsan naman ay natutuwa ako. I opened my reviewe, then I started to read it.

Napasinghap ako no'ng muli na namang kagatin ni James ang braso ko.

"Grr! James!" narinig ko ang tawa niya habang yakap ako sa beywang at nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

Nagpaigtad pa ako no'ng haplusin niya ang peklat ko sa braso dahil sa isang miyembro Raging Bulls. 

"What happend here?" 

Nakiliti ako sa paghaplos niya. "Ah yan? Natatandaan ko lang kasi nasunog yung braso ko diyan at nagkasugat kaya ayan." pagsisinungaling ko. Naramdam kong tumango siya. 

Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya humiwalay ng yakap sa akin. Sumandal siya sa upuan, tinupi ang kanang binti at ipinatong ang siko niya sa tuhod. Ang baba naman niya ay pinatong niya sa kamay niya. Tumingin siya sa akin pagkatapos niyang gawin yun.

Seryoso at mabigat ang tingin niya sa akin. Nailang ako kung paano niya ako titigan kaya umiwas ako ng tingin.

"J-james?" kahit sobrang naiilang ako sa kanya ay kinaya kong tignan siya mata. Nothing change in his expression.

 "I can't take my eyes off of you."

"Huh?"

Kumunot ang noo ko. Ngumiti siya sa akin. "You make my heart melts."

I pouted. Trying to hide my smile. Trying myself not to smile with what he just said. Sinusubukan kong huwag ipakita sa kanya na kinikilig ako. I heard his laughter.

Hindi ko na natago ang kilig ko. Ramdam kong uminit ang buong mukha ko. My spine sent shivers in my whole body. 

"Pere keng shere." pabiro kong pinalo ang braso niya na ikinalakas ng pagtawa niya. Gusto ko lang naman magreview bakit pinapakilig ako nitong lalaking katabi ko. Infairness, nakakainspire ang pagpapakilig niya sa akin.

James hugged me again. Agad kong naamoy ang sobrang bango niyang pabango. Kahit pawisan siya ay hindi nawawala ang bango niya. Pakiramdam ko ay dumikit ang amoy niya sa balat at damit ko.

"Let's review na, James. Please." kinuha ko ang isa niyang kamay. I interwined my fingers in his fingers. Napangiti na naman ako nang makita ang mga daliri namin.

Kita ko paano siya ngumiti ng malawak bago niya kinuha ang reviewer niya. 

Binaba ko ang papel na hawak ko. Nilingon ko si James na busy pa rin sa pagrereview. He's wearing his glassess. Mukha siyang hot professor dahil sa suot niyang salamin. Tinitigan ko siya ng ilang minuto bago ako pumihit paharap sa kanya. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya.

I can't believe that this man is courting me. The man who's handsome na pwede nang isali sa Top 100 Most Handsome Men In The World. Then he is in top 5 below.Habang ako? 

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now