CHAPTER 19

27 16 0
                                    

"Calliope, tara na..." 

Natatarantang hinila ko siya palayo. Parehas kaming tumakbo palayo sa babae.

Shit! Calliope did not control herself! Hindi ko rin siya masisisi. She only want to save the lady. 

"Sandali!" napatigil kami sa pagtakbo nang humarang ang babae sa dinadaan namin. 

Dumaan kami sa gilid para tumakas ulit pero hinarangan na naman niya ulit kami. I heaved a sigh. Humigpit ang pagkakahawak ko kay Calliope na kinakabahan din katulad ko.

I hope no one saw Calliope except to this lady. Kung hindi, patay kami. 

"S-saglit lang. Huwag kayo mag-alala. HIndi ko ipagsasabi sa iba ang nakita ko pero may isa akong tanong." the lady held my free hand. "Totoo ba ang nakita ko? May kapangyarihan ang kasama mo?" 

Hindi ako makapagsalita sa pagtataka kaya tumango lang ako. Nakita ko sa mukha niya na natuwa siya sa sinabi ko. Kunot ang noong nilingon ko si Calliope. 

Nakataas ang mga kilay at nakaawang ang bibig niya. Parehas kaming nagtataka sa kilos ng babae. 

"B-bakit po?" naglakas loob akong tanungin siya. 

"May kaibigan ako at ang anak niya ay may kakaiba ring taglay katulad ng kasama mo."

Nanlaki ang mata namin ni Calliope sa narinig namin. Meron pa kaming katulad dito? Sino?

"R-really?" nawala sa hawak ko si Calliope nang lumapit siya sa harapan ng babae. Tumango ang babae bumuka ang bibig niya para magsalita pero inunahan ko na siya. 

"Paano namin malalaman na nagsasabi ka ng totoo?" the lady's eyes widen. 

What if she said that para lokohin lang kami. Gusto niya lang makuha ang attention namin pero bandang huli ay ikakalat niya sa iba kung ano ang kayang gawin ni Calliope. 

Maraming nagmamahal sa amin at marami ang nakakakilala sa amin. Paano kung dahil sa isang pagbulgar ng kung ano kami ay matakot sila samin? For sure no one will stay. Natatakot ako na baka pati ang mga kaibigan ko ay hindi mananatili. 

Nalungkot agad ako sa naisip ko. Gusto kong maiyak. I'm not ready to lose our friendship. 

I love them so much that it hurts. They are unique. Hindi na ako makakahanap ng mga kaibigang katulad nila. Dati sinubukan kong maghanap, but at the end of the day ay hinahanap-hanap ko sila.

And....James

I bite my lower lip. Mas hindi ko kakayanin na mawala siya sa'kin. Araw-araw kong hinahanap ang mukha niya at presensya. Araw-araw parang bago lang ang nararamdaman ko sa kanya. 

He is my first love and I don't want him to be my first heartbreak. Kapag nasaktan ako baka hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. 

"Nagsasabi ako ng totoo." napabalik ako sa reyalidad dahil nagsalita ang babae. "Matagal ng naghahanap ang kaibigan ko na may parehas na kakaibang taglay ng anak niya. Hindi ko nga alam bakit, eh." 

Inangat ko ang tingin ko kay Calliope na nakatingin din pala sa akin. Parehas na may nakaguhit na pagtataka sa mukha namin. Siya ang unang umiwas na tingin. 

"Matagal? How old is she?" 

"Lalaki siya. Kakalabing walo niya lang. Mukhang kasing edad niyo lang ang lalaking iyon." 

My mouth automatically parted. Ganun din si Calliope. Hindi ko inaasahan na may katulad pa kami dito maliban kay Disney. 

"Who is he?" I asked. 

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now