Kinawayan namin si Patricia habang pasakay siya sa kotseng sumundo sa kanya. Binuksan niya ang bintana ng kotse at ngumiti sa amin. Iminuwestra niya na lumapit kami sa kanya kaya lumapit kami ni Calliope sa kanya.
"Thank you again for saving my life. Let's hangout soon again, okay?"
"Ay gusto ko yan tapos libre mo kami," sabi ni Calliope kaya agad ko siyang pinalo. Masama ang tingin sa akin ni Calliope habang si Patricia naman ay humahagikgik.
"Kapal-kapal ng mukha mo." inirapan niya lang ako. "Sige na, Patricia. Umuwi kana."
"Ayaw niyo bang sumabay? Sabay na kayo. Total gabi na rin. Your parents might be worried right now."
Nagkatinganan kami ni Calliope. Tumingin kami nang sabay kay Patricia at sabay ding tumango kaya masayang binuksan in-unlock ni Patricia ang pinto ng kotse. Umusog siya sa dulo para makaupo kami ni Calliope.
Napapagitnaan ako ng dalawa. Busy si Calliope sa pagtingin sa labas, ganoon din si Patricia. Habang ako naman ay deretso lang ang tingin. Tinanong ng driver kung saan niya kami ibababa kaya ako na ang nagsabi kung saan.
"I forget to ask your names." nalipat ang tingin ko kay Patricia.
"Ah...ako si Abigail at siya naman si Calliope." turo ko kay Calliope.
Tumango-tango siya sa sinabi ko. "And I guessed we are in the same school. We have the same uniform, oh." tinuro niya ang suot niyang uniform, pati ang uniform niya.
My eyes
Nagpababa nalang kami sa kanto namin dahil magiging hassle na para sa driver kung pati sa street ay papasukin namin siya.
"Salamat po, Kuya!" pagpapasalamat ko sa driver bago ko lingunin si Patricia. "Thank you, Pat!"
"Thank you sa paghatid sa amin," ani Calliope.
"You two are welcome. Ingat kayo sa paglalakad, ah?"
I smiled and I nodded to Patricia before going outside the car. Kumaway kami no'ng umalis na sila. Nang hindi na namin matanaw ang kotse ay nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay.
"Kaninong kotse yun?" napatingin ako sa kotse na tinuturo ni Calliope.
Sa tagal naming nakatira dito ay ngayon lang kami nakakita ng kotse na nakapark dito. Naglakad kami papunta doon pero bago pa kami makalapit ay agad kaming napatago ni Calliope sa likod ng kotse.
We saw Ate Madison kissing someone! Sumilip ulit kami at tapos na silang maghalikan.
"I said let's talk!" nakarinig ako ng baritong boses at hula ko ay sa lalaking kasama iyon ni Ate.
Nangyayari rin pala sa totoong buhay yung "let's talk" thing pero mauuwi sa halikan.
"Boss, I told you that I'm not ready to get hurt again. I'm scared to take risk again. Sobrang sakit na nung nangyari sa'kin." rinig ko ang sakit sa boses ni Ate Madison. Sa boses pa lang ay masasabi mo ng sobrang sakit nung ginawa sa kanya.
Hindi ko nakikita ang mukha nung boss ni Ate pero nasisiguro kong gwapo iyon kahit nakatalikod sa'kin. Trust me. I know it if the boy is handsome or not.
"How many times did I told you not to call me boss? Call me Lance!"
"And how many times did I told you na hindi pa ako handa pumasok sa isang relasyon?"
Napatakip kami sa bibig ni Calliope nang marinig namin yun. Relasyon? Oh my gosh! May gusto yung boss ni Ate sa kanya?
"That's why I will court you. I can wait until you're ready."
YOU ARE READING
FORGOTTEN MEMORIES
FantasyYaretzi Abigail, a princess of Asterin who doesn't have a power accidentally went to a human world after the death of her parents. She met James in human world. Abigail lived like a normal human. She fell inlove with James and he fell inlove with h...