CHAPTER 38

20 4 0
                                    

Matapos mangyari yun ay naglaho sa harapan ko ang demonyong nasa katawan ng isang tao. Ang ulo kasi nito ay mukha ng demonyo habang ang katawan ay katawan ng tao.

Tinignan ko kung saan na pumunta ang demonyong iyon. 

Nasa lupa na sila ngayon, nakatingin sa akin. Ginamit ko ang kapangyarihang yelo para magpadulas pababa. Nang makadating sa baba ay agad kong hinanda ang sarili. 

Kahit mag-isa ako at apat sila, hindi ako natatakot. Mas nanaig ang galit ko sa ginawa nila kay Aaron. Pinatay nila ng ganoon lang ang kaibigan ko. 

"Nasaan na ba si Delilah?" tanong ng demonyo. 

Kumunot ang noo ko habang tinitignan ang katawan ng demonyo. Pamilyar kasi hubog ng katawan, pagtayo nito at ang paglalakad nito. Saan ko ba ito nakita?

"She's doing her job." sagot ng lider ng Raging Bulls. 

Natauhan ako nang matantong wala nga si Delilah. Himala hindi nila kasama? Namatay na ba?

My questions was answered when the land moved. Parang may lindol. Sinubukan kong tumayo ng maayos habang lumilingon sa pinanggalingan ng tunog ng hakbang. 

Umawang ang mga labi ko no'ng makita si Delilah na nakasakay sa isang higanteng nababalutan ng apoy. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung nakalaban namin noon. Mas lalo lang itong lumaki at mas lalong lumakas ang apoy na nakapalibot dito. 

"Oh andyan na pala siya. Mukhang magagawa natin ang plano." rinig kong sabi ng lider. 

Wala sa kanya ang atensyon ko dahil tinitignan ko kung sino ang hawak ni Delilah. Sinusubukan kong tignan kung sino iyon sa pamamagitan ng pagliit ng mata ko.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang hawak ni Delilah. 

"Ate Madison!" tumakbo ako papunta sa kanila pero may pumigil sa akin. 

Tingnan ko kung ano ang pumigil sa akin. Nanlaki ang mga mata ko no'ng makita ang kamay ito ng demonyo. Mula sa kamay niyang nakahawak sa'kin ay lumipat ang tingin ko sa kanya.

He can extend his arms. 

Pumiglas ako mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya binitawan. Gagamitin ko na sana ang kapangyarihan ko pero binato niya ako na para bang isa lang akong basura. Nakatingin ako ng masama sa kanila habang nasa ere pa ako. 

Tinignan ko ang babagsakan ko. Natuwa ako nang makitang sa tubig ako babagsak.

Ayos na 'to sa akin. Magagamit ko ang kapangyarihan ni mama rito. Nang bumagsak ako sa tubig agad kong tinawag ang sea dragon ni mama. 

Hindi pa ako tuluyang nalulunod ay umangat na ako sa tubig. Nakasakay ako na ako ngayon sa likuran ng sea dragon.

Mula sa malayo ay tinignan ko si Ate Madison na hawak ni Delilah.

"Come on, buddy. Let's save my ate." I tapped his head as I said that. Matapos sabihin iyon ay bumilis ang paglipad niya. 

Tinantsa ko ang distansya namin ni Disney kung saan ba dapat ako kukuha ng tyempo para makuha si Ate Madison kay Disney. Nang medyo malapit na kami sa pwesto ni Disney ay bumaba ng kaunti ang sea dragon ayon sa gusto ko para maabot ko si ate. 

"Ate, get my hand!" inabot ko sa kanya ang kamay ko na siya namang inabot niya.

Tinulungan ko siyang makaakyat sa likod ng sea dragon. Iniyakap ko ang mga braso niya sa beywang ko. Pagilid na nilingon ko siya. 

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. 

"Yes, but I feel weak. Sinuntok ako sa tiyan ni Disney...I mean Delilah."

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now