CHAPTER 16

31 16 0
                                    

I don't know what to react. I don't know what to say. Ang alam ko lang ay puno ng tanong ang isip ko. 

Simula noong umuwi kami galing sa birthday ni Aaron ay naging lutang ako. Alam kong napapansin iyon ni Calliope pero hindi siya nagtanong kung anong nangyayari sa akin. 

Maganda na rin yun dahil kahit ako ay hindi ko alam kung anong nangyayari. I looked carefully to that picture. Maybe I just missed my mom that's why I'm just hallucinating things. 

Luma na ang picture na yun. Aaron's mother said that picture was taken eighteen years ago. Baka dahil sa kalumaan ay may nagbago sa picture at naging kamukha ng nanay ko ang babae sa larawan. The color of the picture faded. At saka imposible na mapupunta si Mama dito sa mundong ito. 

We did not know about this world. Doon lang namin nalaman noong napunta kami dito. 

Bumuntong hininga ako bago humiga nang maayos sa kama ko. Inabot ko ang bag ko sa kama para kunin ang cellphone ko sa loob. Bumungad sa akin ang pangalan ni James pagkabukas ko ng cellphone ko. 

JkAnderson:

Panget mo kabonding. Bakit may charot?

It's his reply to my last chat in IG. Pagkatapos ay sa messenger naman. 

James Kurt Anderson:

You're busy? 

Hindi pa tapos ang party?

Its time na. You should sleep na. Goodnight, Abigail! Have a sweet dream. :*

Me:

Tapos na. Kakauwi ko lang.

Hindi niya sineen ang chat ko at doon ko lang napansin na late na pala. 

Me:

Sorry I did not read your chats a while ago. Goodnight, James! 

Nakatitig lang ako sa message ko hindi niya pa siniseen hanggang sa makatulog ako na hawak ang cellphone ko. Friday naman bukas kaya hindi kaagad magsisimula ang klase namin. Mahaba-haba pa tulog ko niyan. 

Nalingat ako nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may  nagchat. I checked that chats. It was James who chatted. 

James:

Good morning, baby!

Me: 

Good morning, love!

Dahil sa chat niya ay nagising ako. Nagpahahalata naman ang utak ko na gustong-gusto niya si James.

Bumangon na ako para makapag-asikaso na bago bumaba at kumain para makapasok na kami. Habang nakatalikod sa akin si Ate Madison ay pinag-iisipan ko kung dapat ko na ba siyang tanungin ang tungkol sa picture na nakita ko.

I can't stop thinking of it. I want to ask Ate about that. May feeling ako na si Mama yun pero pinagtataka ko ay bakit hawak niya si Aaron at bakit nandito siya sa mundong ito.

If she's my mother, what does it mean?

Napabalik ako sa reyalidad nang may naglatag ng plato sa harapan ko. Sa hindi inaasahang pangyayari ay naunang kumilos ang utak ko kaysa sa sarili ko. Nagsalita na ako para magtanong kay Ate nang hindi ko namamalayan.

"Ate, may iba bang asawa si Mama maliban kay Papa?" we both stiffened. Maging si Calliope na kakapasok palang sa kusina ay natigilan din.

"Huh? You mean kabit?" 

"Yeah...?" I shrugged. Hindi ko masabi kung kabit nga ba.

"Wala naman. Your parents are loyal. First love nila ang isa't-isa at wala akong nalalaman na may third party sa relasyon nila. Bakit mo natanong?"

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now