This is the last chapter of Forgotten Memories. I want to thank you all for supporting this story and me until the end. I hope that you will support me too in my next story. Thank you everyone!!
~*~*~*~*~*~
Nagising ako sa mga halik na nararamdaman ko galing sa lalaking katabi ko. I slowly opened my eyes.
Bumungad sa akin ang mukha ng fiancé ko. I smiled immediately.
"Good morning, love!" bati ko at hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos halikan siya ay binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.
Ang sarap gumising kung siya ang bubungad sa akin araw-araw. I felt his kisses on my hair.
"Good morning, baby! Bangon na. It's your graduation day today."
Nakangiting nag-unat ako at muli na namang binaon ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango niya kasi. I heard him groan kaya natatawang lumayo ako sa kanya.
"Ito na babangon na."
Bumaba ako sa kama at binigyan siya ng flying kiss na sinalo naman niya. This is our routine everyday. Dito na kasi ako natutulog sa bahay niya dahil engage na kami.
"Bilisan mo. I'll cook our breakfast," sabi niya at bumangon na rin. Habang ako naman ay dumiretso na sa banyo para maligo.
Months had passed since the fight of Alynthi against the Raging Bulls ended. Ilang buwan na rin ang lumipas simula nang magstay ako rito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.
Katulad ng nakaraang taon, pupuntahan lang ako rito ni Kate kapag may problema. Hindi na kami nababahala na may mangyayari dahil patay na lahat ng miyembro ng Raging Bulls.
Sa tagal ko na rito ay hindi pa rin alam ni Haidee na kakaiba ako pero alam ng kamag-anak ni James na kakaiba ako. But they welcome me in their family. Tanggap nila ako.
Matapos maligo ay bumaba ako para makakain na ako. I'm wearing a white puff sleeve french dress and a black two inches heels. I'm also wearing my engagement ring.
Saktong pagkababa ko ay tapos nang magluto si James ng almusal.
"Hmm. Ang bango naman ah?"
Taas noong tumingin si James sa akin. "Of course! Ako nagluto, eh."
Pabirong inirapan ko siya bago ako umupo sa upuan. Umupo na rin siya sa tapat ko. Katulad ng dati niyang ginagawa ay siya ang nagsasandok ng foods para sa akin.
Laging sakto. HIndi kulang. HIndi rin sobra. Laging sakto.
"After your graduation, let's go a date?" tanong ni James bago siya sumubo.
"Sure! Let's celebrate!"
He smiled at me. Binitawan niya ang kutsarang hawak at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa. "I'm so proud of you, baby! You did a great job! Sa wakas nakamit mo na ang pangarap mo.."
Inis na pinalo ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "S-siraulo!" my voice broke. "Huwag mo akong pinapaiyak! Masisira make-up ko!"
Tinawanan niya lang ako. He stood up from his seat and walk towards my back, so he can hug me from behind.
"Abigail, I am really proud of you. Ito ang pangarap mo hindi ba? Ang maging teacher."
Suminghot ako. "May exam pa! Huwag kang magmadali!"
"Magaling ka naman, ah? I know you can do it! You're good kaya."
"Alam ko! Pero..." tinignan ko siya. "I'm grateful to have you as my boyfriend. You sacrificed your career just for me. I really appreciate you. And you are my inspiration kaya nakaabot ako rito."
YOU ARE READING
FORGOTTEN MEMORIES
FantasyYaretzi Abigail, a princess of Asterin who doesn't have a power accidentally went to a human world after the death of her parents. She met James in human world. Abigail lived like a normal human. She fell inlove with James and he fell inlove with h...