CHAPTER 8

42 16 0
                                    

Mas mainit pa sa impyerno ang nagliliyad kong tingin kila Angelica at James. Kanina pa sila magkatabi at nagtatawanan. Matapos niyang ipakilala sa amin si Angelica ay hinila na niya ito papunta sa room nila. Magkaklase panigurado ang dalawa.

Sa nakikita kong ngiti ni James mukhang may gusto siya sa babae. His smile looks genuine, but when he looked at me and our eyes met, I saw sadness in his eyes.  

I did not even ask him to bring me on a date or to watch movie with him. Ginawa niya iyon ng kusa. Maybe he is just doing that para mabawasan yung hiya niya sa akin kakatanong ng mga tungkol sa school works at paghihingi ng sagot sa'kin.

I must face the reality that the man I like won't like me back. I feel insecure whenever I look at Angelica. She's beautiful, sexy and a goddess.

At ako? Isang simpleng babae lang. Minsan lang mag-ayos, tinatamad pa.

"Baka matunaw." halos mapatayo ako sa kinauupuan ko nang may bumulong sa kaliwang tenga ko, si Disney.

"D-disney, nakakagulat ka naman," sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Disney sat beside me. Nandito kaming dalawa sa canteen. Nasa harapang table namin sila James pero may sarili silang mundo kaya hindi nila kami napapansin. 

"You stare at them for too long." 

Inis na kinuha ko sa tray ang pinaorder ko sa kanyang sandwich. Kasalanan nila James ito, eh! Kung hindi sila naglalandian sa harapan ko edi sana hindi ako nagulat.

I am still looking at them while I'm eating my sandwich. I don't care if they will melt. Papanoorin ko silang matunaw sa masama kong tingin.

"Ang ganda niya 'no?" rinig kong sabi ni Disney pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.

I already know that she is beautiful no need to slap it on my face. Hindi na niya kailangan ng make-up para gumanda dahil maganda na siya kahit wala na ito. Natural beauty. Pero ako kapag walang make-up, mukhang patatas.

"Yeah," sabi ko nalang.

"Pero feeling ko masama ang ugali niya. Nasa loob ang kulo."

I looked at Disney. I creased my forehead. I don't think so! Sa ganyang mukha at tawa niya.....Masama ang ugali?

"Huwag kang judgemental. Malay mo kasing ganda niya ang ugali niya." tinuro ko pa si Angelica.

We never know, right? Ngayon ko palang nakita si Angelica. We cannot judge a person we just met.

"Tsk! Basta masama ang ugali niya!" tumaas nang kaunti ang boses ni Disney.

Kumunot ang noo ko sa pagtaas ng boses niya. Hinarap ko siya bago magsalita. Kung kanina ay nag-aapoy ang tingin ko kila James at Angelica, si Disney naman ay mas nagliliyab pa sa impyerno.

Bakit ganyan kasama ang tingin niya kay Angelica? May ginawa ba sa kanya ito?

"Why are you too judgemental today? Parang kanina lang nagagandahan ka sa kanya, ah." she also told Angelica a while ago that she's beautiful.

Her jaw tighten. Masama pa rin ang tingin niya. Wala sa sariling sinundan ko ang tingin niya. Kay Angelica lang siya nakatingin nang masama.

"Disney!" I called her. Hindi pa siya lumilingon sa akin kaya binitawan ko ang hawak kong sandwich, nilapag ulit sa tray at tinawag ko siya ulit pero masama pa rin ang tingin niya kay Angelica. Bumababa't taas ang mga balikat niya tanda na mabilis ang paghinga niya. Namumula na rin siya. Hindi ko alam kung dahil ba sa mabilis na paghinga o dahil galit siya.

"Disney!" I called her again. Hindi siya tumingin sakin kahit ilang beses ko siyang tawagin.

I was shock when I saw how she held the spoon tightly. But what suprised me more when her eyes turned into red. Umawang ang mga labi ko at napaatras sa kinauupuan ko.

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now