Chapter 10

6.9K 512 56
                                    

Ember

"We've reached the border. Dito na lang po kami."

Mula sa minamaniobrang yate nito ay huminto si Tita Hariette.

A help from within. A help from a family.

Definitely Tita Rail meant a help from Tita Candice. Lalo pa at may sariling yate nga si Tita Hariette. Bakit ba nawala sa isip ko yon? She'll be able to help us kung ang problema lang namin ay ang pagpunta sa Isla.

"Malayo pa dito yung pampang, Ember. What are you going to do? Lalangoy papunta don?" May bahid man ng sarkasmo yung boses nito ay halatang nag-aalangan pa din naman ito na ibaba na lang kami kung saan.

I am truly grateful that they've helped us. Kahit pa nga mahigpit ang pagtutol ni Tita Hariette nung umpisa knowing that what we've did hurt her bestfriend. But when she heard that my fennec fox died, she silently motioned us to follow her.

Sasama nga din sana si Tita Ice. Kaso ay minanduhan naman ito ni Tita Hariette na manatili sa bahay at magbantay sa mga bata. Nangako lang yung asawa nito na safe kaming maihahatid sa destinasyon namin kaya napapayag ito.

"Don't worry, Tita Rie. I'll be safe. I've been doing this for countless times lalo na pag hindi ako pinapauwi noon ni Mommy." Ngumiti ako dito.

I just hope nothing had changed since then. Baka kasi natrace na ni Mommy yung mga access spots na tinanggalan namin noon ni Eris ng trap.

"Are you sure you can both make it? I do have a spare speedboat. Pwede ko kayong ipahatid sa mga tao ko. Masyadong madilim at malakas ang alon. " Itinuro nito yung malawak na dagat na hindi din namin makita bagamat at dinig namin yung napakalakas na alon. Sobrang dilim kasi dahil hindi din ito nag abala pa na buhayin ang mga ilaw sa yate para hindi kami masyadong mapansin. Tanging navigation lights lang ang binuksan nito at yung dito nga sa Bridge deck.

Mula kasi dito sa hinintuan ng yate ay lalanguyin na lang namin ni Cray papunta sa pampang para hindi makaagaw ng atensyon. Masyadong delikado kasi kung doon mismo kami magpapababa sa daungan. Lalo pa at wala kaming pahintulot na tumapak sa isla. I know that my Mom's guards will never have a problem shooting us kahit makilala pa ako ng mga ito.

Just because my mother says so. No one is allowed to set foot in the island without her permission.

"My Mom's guard can see us. May sniper na naka assign sa kung saan saang parte ng isla. They will have no problem shooting us once they detected our force entry." Paliwanag ko dito. Sa sinabi ko ay mukhang naunawaan na din nito na hindi talaga ako nito mapipilit pa. Sapat na yung tinulungan nya ko kahit papano. Ayoko naman na pati ito ay madamay pa.

"Hey, Ember." Awat sakin ni Cray. Halatang kinabahan at natakot na naman ito nung narinig yung sinabi ko. "Call your mother. Tell her we'll be there. Masyado ka na namang padalos dalos sa pagdedesisyon."

Tsk. What a scared little prick. Did I really wed this woman? Sobrang duwag nito.

"You can back out." Hinagis ko kay Cray yung bag niya. Hindi naman kasi waterproof iyon at tiyak na mababasa lang kung sasama pa siya sakin na languyin yung distansya papunta sa pampang. "You should go home. Get a good night sleep and rest your injured ankle."

Isinukbit ko sa balikat ko yung waterproof backpack ko. Inipit ko yung buhok ko at saka lumakad palapit kay Tita Hariette. I kissed her cheek and slightly bowed my head.

"Thank you for helping me." pagkasabi ko niyon ay nagsimula na ako maglakad palabas ng bridge.

Sinundan naman ako agad ng mga tao ni Tita Hariette. Marahil ay para alalayan ako makababa ng yate. I didn't try to stop them. Wala din naman akong plano magbida bida at magdive pa sa dagat.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon