Chapter 22

7K 548 305
                                    

Cray

"Ate, what's okay?"

Napalingon ako kay Elle na may hawak na dalawang dress sa magkabilang kamay.

"Left."

Nangingiting inangat nito iyon at tiningnan ulit bago inilapat sa katawan. "You think so?"

"Yeah." halos walang ganang sagot ko bago pilit na ngumiti.

Nang hindi ito sumagot ay tiningnan ko ulit yung screen ng phone ko. I am still contemplating whether to call Ember or not. Kanina pa kasi ito umalis pero hindi pa din bumabalik o di kaya naman ay nagsasabi kung nakarating na ito kung saan man ito pupunta.

Kanina kasi ay nagmamadaling umalis ito. Sinabi lang na hindi sigurado kung anong oras makakauwi. Nakahiyaan ko naman itanong kung saan yung lakad nito dahil una ng araw pa lang nung ikinasal kami ay sinabi na nito na ayaw nitong itinatanong kung saan at ano yung lakad nito.

"Ember's not calling yet?" Tanong pa ni Elle na marahil ay napansin na din yung madalas na pagtingin ko sa phone ko.

Hindi ako sumagot.

Napailing na lang si Elle bago kinuha yung sarili nitong phone at may tinawagan. Ilang sandali lang ay ibinaba na din nito yung phone nito.

"She's with Eris." Imporma pa nito. "Sabi ni Kaylee."

Napaangat yung kilay ko pagkarinig pa lang ng pangalan ni Eris. "Bakit daw?"

Nagkibit-balikat lang ito. "Hindi ko alam. Ang sabi lang ni Kaylee nasa hospital sila ngayon dahil daw sinapak ni Eris si Tris. Tatawag daw sya mamaya."

Tuluyan na akong napatayo mula sa pagkakaupo sa couch. "What hospital? Ember needs me. Wala dito ngayon sina Tita Gra-"

"Si Tris yung napuruhan, Ate Cray. Not any of Ember's family. Kaya nga pumunta siguro doon ngayon si Ember ay para makipag areglo. Galit na galit daw kasi sina Tita Van at Tita Terry."

Mas lalo lang akong naalarma. Sa dami naman kasi ng babanggain ng kapatid nyan ni Ember ay ang mga Callaghan pa. Natural lang na magalit ang mga tao dito.

"I'm going to Tita Sam's. Pasabi na lang kina Mommy mamaya." Bilin ko pa dito.

Napasimangot naman si Elle. Ito na naman kasi ang maiiwan mag-isa. "Sama ko. Tawagan ko si Mommy na sumunod na lang. Tiyak na ipapakulong nyan ni Tita Terry si Eris."

"Eris is a minor." Paalala ko dito. Mas lalo lang akong nainis. Minor pa ito pero ang lakas ng loob gumawa ng kung anu-anong kalokohan. Halatang nagmana sa Mommy nito. "They should just send her back to the island. Mas makakabuti iyon sa kanila."

Elle just tossed the dress she's holding awhile ago on the couch bago umagapay sa paglalakad ko. Napatingin pa ako sa suot namin pareho. Pareho lang kasi kaming nakaplain na shirt, shorts, at slippers.

"You can't blame Eris. Minsan kasi iba din yung tabas ng dila non ni Tris. Baka may sinabi na ikinairita ni Eris." Depensa pa ni Elle. Can't blame her though. Eris is still our family. "Not to sound too one-sided, pero we both know that if there's a calmest Silva, that's her."

Yeah. That's partly true. Mas level-headed nga si Eris kesa kay Ember. That's also the reason kung bakit ito ang laging pumapagitna kapag may gulo sa pamilya ng mga ito. Lalo na noon na muntikan na maghiwalay sina Tita Grant at Tita Jen dahil nga sa nangyari kay Ember noon.

Binuksan ko yung driver's side ng sasakyan at sumakay. Si Elle naman ay ganun din ang ginawa sa passenger seat.

While driving to the hospital owned by Callaghans, I dialled Ember's number. Pero hindi ito sumasagot. I just hope that she's okay.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon