Chapter 19

6.8K 511 137
                                    

Ember

"If you want your wife to fall for you, you should try all the tricks that Mom has taught you." Kaswal na sabi ni Eris na katabi ko ngayon habang kumakain ito ng pakwan at ako naman ay nakatingin kina Cray at Elise.

Gaya ng sinabi nito kanina, ininterbyu na nga ito ng pinsan nito. Sina Kaylee at Tris naman ay nakikipaglaro ng board games kay Elle at Tita Louella. Habang si Tita Alli ay busy naman sa paghahanda ng kung ano-ano sa aming lahat. Kagaya na lang ngayon, inabutan na naman nito ng plato ng pakwan si Eris. Kanina nga ay kauubos lang nito ng dragon fruit.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ikaw ang nagbabantay kay Kaylee?" Pag-iiba ko ng usapan. Hangga't maaari, ayoko nang pag-usapan yung status namin ni Cray.

Nagkibit-balikat lang ito habang tinatanggal yung buto ng kinakain nito.

"You're working part-time?" tanong ko pa ulit dito.

Ito naman ay tumango. "Need to buy a new set of toys." Kaswal na sagot nito. "Ang mamahal na ng paninda ngayon ni Carriete. Akala mo hindi kamag-anak magpresyo." Sumimangot pa ito na para bang nagmamaktol.

That answer made my first laugh today. Nakangiting hinaplos ko yung ulo nito. "You shouldn't buy her toys kasi. Tingnan mo, bababaan nya yung presyo nyan pag hindi ka na bumibili."

Yung toys kasi sinasabi nito ay yung kung ano-anong naiimbentong explosives at unique na self-defense kit ng pinsan naming si Cariette. She's quite good in mixtures and exceptionally gifted in Science. Kami kasing magkakapatid ay mahina sa paggawa ng mga ganon. Kaya naman bumibili na lang kami dito.

We need it. We basically grew up thinking that we should protect ourselves from the harsh world. Lalo na pag wala si Mommy para protektahan kami.

"Anong bago nyang toy ba yan na pinag-iipunan mo?" tanong ko ulit dito. Napapangiwi na lang ako nang parang bata na sin-shoot nito mula sa bibig nito yung buto ng pakwan sa bowl. Hindi ko alam kung pupurihin ko ba dapat ito dahil lahat naman ay nashoshoot nito doon. "At saka isa pa, Eris, you should observe your manners when you're outside our island. That's very unlady like." tukoy ko sa ginagawa nitong pagshoshoot ng buto sa bowl.

Umangat yung kilay ni Eris at saka lalong napasimangot. Bahagya pa nga nitong hininaan yung boses.

"You're starting to sound like Mom, Ember." Inginuso pa nito sina Tris na kaswal na kaswal na tinatanggal muna yung buto ng pakwan bago kumain. "Saka gusto mo ganyan gawin ko? Ang arte arte o. Mukhang tanga kaya yung ganyan. Eating watermelons is meant to be fun. Ganito naman tayo sa isla nila Essex. Kami nga nagpapalayuan pa ng tapon ng buto e."

Napailing na lang ako. Ito siguro yung sinasabi ni Mommy Jen na consequence ng pagkukulong ni Mom kina Essex at Eris sa isla. Lalong nagiging aloof at indifferent ang mga ito sa tao.

"You should befriend them, y'know. Mababait yang mga iyan. Para naman magkaroon ka na ng kaibigan bukod kay Essex." Sabi ko na lang at saka tumingin kina Tris at Kaylee. They look so cute together. "They're nice."

Umismid lang si Eris bago bagot na bagot na pinasadahan din ng tingin yung tinitingnan ko.

"Nah." Palatak pa nito. "They look like fools together. Look at them closely. Si Negra mukhang tangang nakatingin kay Elle. She's obviously having a crush on her. But look at Barbie, she's obviously having a huge crush kay Negra. Those puppy look eyes resembles yours whenever you're looking at Cray."

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon