Chapter 18

7.4K 518 135
                                    

Ember

I woke up feeling sated with sleep. I can't remember if when was the last time I sleep that peacefully. Siguro tama nga yung sinasabi ni Tita Leigh na malaking tulong yung matulog ako na may katabi.

Nag-iinat na hinatak ko pa yung kumot. Pagmulat ko pa lang nang mata ay sya namang kalalabas lang ni Cray mula sa bathroom. Mukhang katatapos lang nito maligo dahil bahagya pang damp yung buhok nito bagamat ay hindi naman tumutulo.

Ngingiti sana ako dito nang sumilay yung sinserong ngiti sa mga labi nito. Naudlot tuloy yung ngiti ko at napatitig na lang dito.

"Get up na, Ember. Sabay tayo mag breakfast." Pagkasabi niyon ay itinuro nito yung mga paperbags sa ibabaw ng couch sa gilid ng kama. "That's your clothes. Okay na din yan at nalabhan na."

Napatingin naman ako sa itinuro nitong mga paperbags. The brand is the same into the brand of clothes I'm casually wearing. Expensive.

"Mamaya daan tayo sa unit mo? Kuha tayo ng damit. May schedule ka ba ngayong araw?"

Tinatamad na bumangon ako sa kama at tila walang pakialam kahit halos wala akong suot kundi puro panloob lang. Sanay naman na si Cray siguro. Well, dapat masanay is the right term.

"Wala. Anong meron? Kelangan kong umuwi sa isla." Lumapit ako sa sofa at dinampot yung mga paperbags. Inusisa ko pa yung laman niyon.

"We haven't properly celebrated your birthday." Tila nahihiyang sabi nito.

Natigilan naman ako. Why does it bother her? Last week pa yung birthday ko kasabay nung birthday ni Tita Sammie. That's also the reason why my parents let me attend with them. Because that's my birthday wish. To see Cray one last time.

But that was expired few days ago. I've seen her, alright. Pero kasabay din niyon yung pagkaalam ko sa tinatago nyang sikreto.

Too perfect timing, isn't it?

"Forget it." Malamig na sabi ko. "I am not celebrating birthdays and you know why."

Tumango lang si Cray at saka ngumiti ulit ng malapad.

"Exactly. I know why. So we should have a post-celebration." tinawid nito yung distansya namin at saka ako hinalikan sa sentido na gaya ng nakaugalian nito tuwing birthday ko noon. "I'm sorry for overwhelming you. I've got a place in mind where I can make it up to you."

"If that's one of your dirty plans, forget it."

"Nah." Natawa pa ito ng bahagya. "You will surely enjoy everything I had in mind."

"I don't like the way your mind behaves. So, I really doubt that." Kinuha ko yung pares ng damit na nasa paperbag at saka ibinato yung wala ng laman na lagayan sa couch. Pagkatapos ay sumulyap dito.

Cray has that most intense eyes I've ever seen. Expressive.

"You know, you're being unfair to me, Ember." Reklamo pa nito.

"In what way?"

"Heto" Itinuro nito yung ayos naming dalawa. Unfair nga. Sya nakaligo at nakabihis na. Samantalang ako, amoy higaan pa yata at halos wala na ngang suot. "I'm trying to be nice. I want us to be friends again to make it easy for us to deal with each other."

Napahalukipkip naman ako nang hagurin ko ito ng tingin. Ayan na naman sya sa pagpupumilit na maging magkaibigan kaming dalawa.

"I don't wanna be friends with you." Plain na sagot ko dito at saka nilampasan ito. Wala akong panahon para makipaglaro na naman sa laro na gusto nito.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon