Chapter 29

6.6K 513 64
                                    

Ember

"Careful." I remind Cray for an umpteenth time. Kanina pa kasi ito nadudulas sa mga bato.

"Urgh!" She yelled in frustration before taking off her slippers. "You're annoying. Will you please shut your mouth for a while? Kada madudulas lang ako ng kaunti, nakareact ka na agad."

Huminto ako sa paglalakad at itinuro yung paa niya. "Wear your slippers. Mamaya may matutulis na bato tayong madaanan, siguradong masusugatan ka."

Umismid lang ito. "Edi nadulas na naman ako? Tapos maglilintanya ka na naman. So, Nah. This one's better."

"So mas okay iyon sayo kesa yung masugat yung paa mo?"

"Look." itinuro nito yung dinadaanan namin. "Walang matulis na bato. Masyado ka lang advance mag-isip. I have problems walking in these slippery rocks so I'm doing something about it. Pati ba naman pagdedesisyon ko para sa sarili ko kukwestyunin mo pa? Paa mo ba 'to?"

"Why are you so stubborn?" Nag-uumpisa na din akong makaramdam ng pagkainis dito. Kanina pa ako nagpapasensya. Pero tila lalo lang nito akong inaasar. "You can do just as what I told you to do so we wouldn't be arguing over this. As simple as that. Para sayo din naman yung sinasabi ko."

Inagaw ko yung slippers na hawak nito at isinuot ko sa paa niya. Imbes na isuot ng maayos ay sinipa pa nito iyon palayo. Pagkatapos ay kuntentong ngumiti nang makita na malayo yung narating ng slippers nya.

"Okay. I'm done." Nakapamaywang na umayos na ako ng tayo sa harapan nya. "What's your problem?"

Inirapan lang ako nito at tinalikuran. "Wala. Just shut your mouth. Naririndi na ko sa bibig mo."

"Oh, wow." I spat. "So, nakakarindi na pala yung mag-alala ako sayo?"

Hindi ito sumagot pero tinitigan ako ng masama. Kanina pa sya ganyan. Nagdadabog na hindi ko alam kung anong dahilan.

Nung umaga naman ay ayos pa kami matapos naming kumain ng almusal. Kahit nga noong itinulak ako nito at nauntog ako sa upuan ay hindi naman sya naging ganyan.

Tinulungan nya pa nga ako mag-ayos ng mga damit namin sa closet ko kanina. Pati yung pagtatapon ng mga lumang damit at gamit na nakatambak lang doon sa half-side ng closet ko para ma-occupy nito iyon ay magkatulong pa namin tinapos. Bumaba lang ako sandali para kumuha ng inumin namin pero pagbalik ko ay hindi na nito ako kinakausap at laging masama na yung tingin sakin. Hanggang sa maibaba namin yung mga gamit sa stockroom.

Hindi ko tuloy malaman kung ano bang kasalanan ko.

"You know what?" I motioned my hand in mid-air. "You stay here. Ako na lang yung aakyat sa burol para maghanap ng signal. I'll call for help pagkatapos ay babalikan na lang kita dito."

"Iiwan mo ko?"

"Sandali lang naman." Pinunasan ko yung pawis na tumulo sa gilid ng pisngi ko. "Tutal naman lagi kang nadudulas at naririndi ka din naman sa boses ko kaya dito ka muna para makapagpahinga ka. You can also take a break from my pointless rants, so you say."

Akala ko naman ay magiging okay na ito. Pero nagulat ako nang lalo yata itong magalit. "Oh, so you can freely ask your ex-girlfriend to pick you up with her aircraft? How convenient."

"Ex-girlfriend?" Napakunot yung noo ko sa sinabi nito. "Si Rainey?"

Oh, yeah right. Rainey can make it convenient for both of us. If I ask Rain, she'll help us for sure.

"O, hindi ka na nakasagot." Humalukipkip pa ito bago lalong tumalim yung tingin. "So you were really thinking of it."

Napaawang na lang yung bibig ko na hindi makapaniwala sa akusasyon nito.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon