Chapter 30

7.1K 496 129
                                    

Cray

"Ember. C'mon, hindi kita kayang buhatin. Sa kwarto ka na. Maligo ka muna para makapagpalit ka na ng damit."

"Tired, babe."

I silently smile seeing how Ember's head fell at the headrest of the couch. Halatang pagod na pagod ito. Panay pa ang kamot nito sa braso nito na namumula na. Ang laki na nga din ng initim nito mula nung unang araw na dumating kami dito sa isla.

Who wouldn't? Maghapon itong nasa arawan araw-araw para lang makapagtanim sa palayan. May mga nakita kasi kaming mga buto ng kung ano-anong rootcrops sa lumang stockroom ng mga ito na may manual pa kung paano itatanim. Ember, being a bida-bida took the liberty in taking in-charge.

Inayos pa nito yung mga gamit sa bodega at tyinaga yung paghihiwalay ng mga mapapakinabangan daw namin at hindi. Pati nga yata pangangahoy habang pauwi galing sa pagtatanim ay kinarir na din nito. Nagulat na lang nga ako nung unang beses nitong umuwi na may mga dala dala itong tuyong kahoy.

Nung tinanong ko kung para saan, sinabi lang nito na mabuti na din na may stock kami kung sakaling maubusan kami ng gas. Paano na lang daw kami kakain kung saka-sakali? Lalo pa at tipid na tipid nga kami sa paggamit ng kuryente. Kahit nga paggamit ng heater ay iniiwasan na namin. Yung mga appliances ng mga ito na kumokonsumo ng kuryente ay hindi na din namin gaanong nagagamit. Kahit aircon nga ay wala na.

It's been a week since the day that we were stuck in here. So far, we are surviving.

For the past week, laging umaakyat ng burol si Ember hoping to find any signal to connect to someone who could help us to get away from here. Though, lagi din itong umuuwi na bigo.

Ember, however, contrary to what I am thinking, is not being an ass. Halos lahat nga ay ito ang gumagawa. Mula sa pagkukumpuni. Pagiinstall ng kung ano-ano dito sa bahay para sa ikatatahimik daw ng utak ko. Pag-aayos ng mga gamit at pag-iisip kung paano mapapadali yung buhay namin sa lugar na ito, ay ito na lang lahat ang namomroblema.

Samantalang ako, nasa bahay lang. We had this silent agreement that I am assigned in cleaning the house, cooking, and doing the laundry. While the other things that are not part of it, falls into her responsibility. Ganoon ito ka-responsable.

Kung dati ay puro itlog at tinapay lang ang kinakain namin. Ngayon naman ay nakakakakuha na ito ng saging sa gubat. Minsan ay may uwi pa itong mga indian mangoes o kaya naman ay kung ano-anong karne ng ligaw na hayop na nahuhuli nito. Kahapon nga ay unang beses ko makakain ng inihaw na ibon. I feel so bad and good at the same time. Bad, for the poor animal. But good to finally taste something worth eating aside from the casual tasteless food we're having.

Pakiramdam ko nga para na kaming si Jane and Eve.

Tungkol naman sa sitwasyon namin, hindi nito iyon inuungkat. Para bang off topic samin pareho na pag-usapan yung usapin na parehong sensitibo samin. Bagamat ay paunti unti naman ay nagkukwento ito. Kaya maging ako ay nagiging at ease din dito at nag-oopen din ng tungkol sa buhay ko noon sa bahay ampunan.

"Ember." Tinapik ko yung pisngi nito. Ang dungis nito ngayon. Puro alikabok at halos mangitim na yung suot nitong maluwag na polo na tinupi lang nito hanggang siko yung mahabang manggas. Pawisan pa yung pisngi nitong may bahid ng dumi. "San ka ba nagsuot na babae ka. Ang dungis mo. Ang hirap hirap maglaba. Pinapahirapan mo ko."

I groaned seeing the light scratches on her arms and legs too.

"Jusko naman, Ember. Puro galos ka pa."

"Hmm?" inaantok na nagmulat ito ng mata. Pero dahil mukhang nasisilaw ay napapikit ito ulit.

Naiiling na hinatak ko ito patayo. Isinampay ko yung kanang braso nito sa balikat ko. I didn't expect Ember to be this heavy. Siguro dahil nga payat naman ito kahit pa sobrang tangkad nito ay ni hindi sumagi sa isip ko na mabigat na higante ito. Or maybe, she just really got lean muscles hiding behind her sexy physique.

MamihlapinatapaiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon